Chapter 1

45 0 0
                                    

Mau’s POV

“Simula ngayon talaga. Aayusin ko na ang buhay pag-aaral ko.” Ilang beses ko na ba yan sinabi sa sarili ko? Hahaha! Every start ng pasukan sinasabi ko yan, high school pa lang din, dinidikta ko na sa sarili ko yan. Pero parang wala namang nangyayari. Hahahaha! Ano kayang mangyayari sakin??? Wew.

“Magkalovelife na kaya ako?” What the. Kung ano-ano na namang sinasabi ko. Hahaha! Sabi ko nga diba ayoko magbalak mag boyfriend, sapat na ang mga lalaking kasama ko sa buhay ko ngayon. Pero iba pa rin naman siguro talaga yung may mahal noh? Kasi syempre, hindi naman forever nadyan sa tabi ko sina Kuya Nate at Kuya Lance, alam ko, baling araw, mag-aasawa din sila. Sa gwapo ba naman nila, himalang hindi ka pa magkaasawa, kumbaga, parang mamimili nalang sila ng gusto nila dahil sila ang hinahabol, kumbaga may mga reserve naman kung sakaling hiwalayan sila ng mga nauna eh. Haha! Pero joke lang. Alam kong hindi ganun ang mga kuya ko, alam kong once na nagmahal sila, seryoso sila. Swerte nung dalawang babae na yun para kina Kuya Nate at Lance…..

“Mau! Hindi ka pa ba tapos maligo?” sigaw ni Kuya Nate. Hala? Oo nga noh, kanina pa ako nakababad sa tub. Ang sarap kasi mag-isip ng mga things about sa life pag nasa cr eh.

“Ha, eh kuya sandali nalang. Magbabanlaw lang ako.” Sagot ko.

“Aba. Bilisan mo, may pasok ka pa. At may pasok rin ako. Wag ka ng msyadong magpaganda. Maganda ka na” sabi ni Kuya Nate. Awsows, mahal na mahal talaga ako ng mga Kuya ko, mga ayaw magsinungaling. Tsk tsk. Hahahaha!

Pag labas ko…..

“KuriMau, sabay ka samin mamaya paguwi ha. Sunduin ka namin ni Mommy. Punta tayo mall.” Sabi ni Kuya Nate? HA ANO. KURIMAU?????? Wtf. Hahahahaha.

“Anong Kurimau!!! Pero sige, sama ako. Yehey mall!! Tayong tatlo lang?”

“Oo. Si Kuya Lance, hindi muna uuwi eh. Aasikasuhin yung trabaho sa Cebu. Si Daddy, baka sumunod nalang daw satin.”

“Okay. Eh hahatid mo ba ako today?”

“Bakit nasaan ang kotse mo?”

“Nasa tagaytay. Dun ako uuwi kasi sa Friday. Eh dun ko na dinala.”

“Hay. Osige. Ako na maghahatid sayo. Antayin mo ako.”

“Yay. Thank you Kuya!!!!!!”

Ayan, otw na kami sa school.

..............

First day ng 1st sem ng 2nd year! Whoooooooooo!

Pagdating naming, agad naman akong nagpaalam kay Kuya Nate. Hndi ko na pinapasok yung car sa loob, maglalakad nalang ako papasok. Tutal aantayin ko naman si Cassy sa may quad ng school.

Cassy is my bestfriend.

*calling Cassy*

“Mau? Malapit na ako.” Sagot niya, alam na agad eh. Hahaha!

“Sige Cass, dito na ako sa quad.”

*end call*

Habang inaantay ko si Cass, nanunuod ako ng training ng football. Malapit lang kasi yung field sa quad and balita ko mayabang yung team captain nila eh, pero gwapo naman daw. Hindi ko pa yun nakikita kaya wala akong masabi. Hahaha. Habang nanunuod lang ako…..

“Galing talaga ng Northridge Football Team noh?” HA? Sino yun??

Paglingon ko… Oh sht! May gwapo! Pawisan siya. Pero ang bango-bango niya. Mukhang member din ito ng team ah. Naka uniform kasi siya ng pang football. Tapos naupo siya sa tabi ko…..

Can You Be My Girlfriend? Can You Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon