PROLOGUE

8 0 0
                                    

                      
Breaking News:Tuluyan na ngang kinumpirma ng pamahalaan kaninang umaga ang gamot na siyang tatapos sa pandemiyang kinakaharap ng buong mundo,muli ako po si Mae Chua nag uulat PH News Alert.

"Mabuti naman at meron nang gamot sa pandemiyang to! Salamat sa Diyos"sabi ni Mama habang naghihiwa ng sibuyas.

Natatawa ko naman siyang inilingan,parehas lang kasi kaming tuwang-tuwa sa nalaman.

"Zamaya anak, paki abot naman ng asin diyan sa cabinet." utos ni mama kaya tumango naman ako para kunin ito at iabot sa kaniya.

Sino ba namang hindi matutuwa di ba? Dahil finally makakagala na rin ako!

Sobrang boring na kaya dito sa bahay, ikaw ba naman na halos sampung buwang nakakulong lang sa bahay tapos dadalawa lang kayong magkasama,hindi ka ba mabobored doon?

----

"Hey Shen? Balita ko may gamot na daw para sa mga nakakuha ng virus, kamusta na ba si tito?" tanong ni Zeb sa akin, pinsan ko.

Isa kasi ang Daddy ko sa naapektuhan ng virus pero instead na sa hospital ay nasa bahay lang siya dahil meron naman kaming family doctor.

"Ayun, nasa kwarto pa rin niya, nagpapagaling. Nabalitaan ko din yun couz, bumili na nga si Mommy pero next week pa daw idedeliver sabi ni Dr. Asuncion." paliwanag ko sa kaniya at tumango naman siya habang nakatulalang pinagmasdan ang napakalaking bintana na nasa harapan niya.

One month later...

"Isa sa mga pasyente na nag positibo ang naturukan na ng gamot  ngunit patuloy na iniimbistigahan dahil sa zombie cells na natuklasan rito, patuloy lang manood para sa karagdagang updates".

Nagkatinginan kaming tatlo ni Ollie at Morgan dahil sa narinig.

Shit! Nagkatotoo yung vision ko!

Sila Ollie at Morgan lang kasi ang naniniwala sakin dahil simula pagkabata namin pag sinabi ko ang vision ko ay nagkakatotoo.

"Paano na yan Aries? Mukhang magkakatotoo na talaga."  nag aalalang sabi ni Morgan.

Umiling-iling ako hindi ko alam ang gagawin,kung ipagkakalat ko naman o namin sa iba,siguradong walang maniniwala baka makulong pa kami.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!Zombie!!!"rinig naming sigaw na nakapag patayo sa kinakaupuan namin.
                               -🔥-

~coninde

THE BLOODY APOCALYPSE WAR 2020Where stories live. Discover now