Chapter 2
-🔥-Tahimik kaming naglalakad dito sa labas dahil baka mabulabog namin ang mga halimaw.
Sira-sirang mga gusali, mga nagkayupi-yuping saskyan, mga tuyong halaman ang laging bumubungad sa amin sa tuwing lalabas kami ng pinag-tataguan namin.
"Aries may prediction ka na ba?" tanong sa akin ni Chester ngunit imbes na sagutin ay umiling lang ako.
Sumeryoso naman siya dahil ang huling prediction ko ay nung nag-karoon ng zombie.
Si Chester ay hindi naman talaga isang bi, napasama lang talaga siya dahil ang napagtaguan niya ay yung sasakyan na nag hatid sa amin papunta dito sa Mindanao.
Tulog kasi siya nang makita namin kaya gulat na gulat pa siya non nang makitang wala na siya sa Maynila.Ang alam namin may kambal siya pero nahiwalay lang siya nang mapunta dito at isa talaga itong si Chester sa mga magaling gumawa ng traps.
"Aries, tubig oh" sabi ni Emmy sabay abot ng bote ng tubig sa akin.
Tinanggap ko naman ito at rinig ko ang pekeng ubo ng mga kasama namin.
"Wooooh, sana all" tumatawang sabi ni Kim.
Hindi na kasi lingid sa kaalaman ko na may gusto itong si Emmy sa akin.
Napaka- obvious niya kasi."Em, kami ba hindi mo kami bibigyan ng tubig?" kantyaw naman ni Morgan.
Tumatawa lang sila Ollie at Chester habang si Emmy naman ay masamang tumingin sa apat.
"Gusto niyo? Oh!" sabi ni Emmy sabay bato ng mineral water sa kanila.
Tumatawa namang sinapo ng apat yung tubig.
"Grrr" nagkatinginan kami at sabay-sabay na inilabas ang mga armas namin.
May mga zombie na nakatingin sa amin ngayon, sa tingin ko nasa kinse sila.
Sabay-sabay naming ipinutok ang mga baril na dala namin hanggang sa naubos sila ngunit dahil sa tunog ng baril namin ay nag-silabasan ang ibang mga zombies.
Nag takbuhan kami hanggang sa marating namin ang pader na humahati sa Visayas at Mindanao.
"Shit! Mas lalo ata silang dumami ngayon" reklamo ko nang maubusan ng bala.
Inilabas ko naman ang dalawang katana ko.
Si Chester naman ay nag labas ng pana sabay tutok sa mga zombies at pagkatapos matamaan ay natunaw ang mga ito.
Si Emmy ay isinuot ang bakal niyang armor sabay sugod sa mga zombies habang dala ang paborito niyang kutsilyo.
Sila Morgan at Ollie naman busy sa pag gawa ng diy na dinamita pero malakas ang impact kaya si Kim naman ay abala sa pag protekta sa dalawa habang binabaril ang mga zombies na papalapit.
Muntik nang makagat si Emmy nang ma out of balance siya kakaatras kaya nagmamadali akong tumakbo sa pwesto niya at pinag hahati ang mga katawan ng zombies na balak kumagat sa kaniya.
Mag iisang oras na nga ata kaming nakikipag-laban dito sa mag zombies, hindi maubos ubos!
Maya-maya lang naubos na din sa wakas ang mga zombies kaya napaupo nalang kami sa tabi ng pader.
"Kung may tao man diyan tulungan niyo kami! Kung may tao man diyan" agad na nangunot ang noo namin nang may mag sumigaw mula sa kabilang pader.
Tao! Akala namin wala nang ibang taong nabubuhay mula sa kabilang pader pero mayroon pa din pala.
"Please!" dugtong nito, boses babae siya.
"Tutulungan namin kayo, pangako"
sigaw ko para marinig niya ako.-----
"Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina Aries?" tanong nila sa akin pag karating namin sa hide-out.
"Oo" sagot ko.
Napanganga sila sa sinabi ko dahil hindi makapaniwala.
"Hindi mo naman siguro nakakalimutan kung bakit nandito tayo sa Mindanao Aries!" sigaw ni Kim agad naman siyang pinakalma ni
Emmy."Hindi ko naman nakakalimutan yon pero gusto niya bang habang buhay lang tayong nandito ng walang ginagawa?" tanong ko sa kanila at natahimik naman sila, nag iisip.
Maya-maya'y nagsalita si Ollie.
"I think Aries is right ,we should do something.Hindi pwedeng habang buhay lang tayong nakatunganga rito" sang-ayon ni Ollie na nakapag patango sa kanilang lahat.
Kumalma na rin si Kim, nakikinig sa usapan.
"Pero paano? I mean ang may nakaharang na pader, napakataas niyan at hindi basta-basta maaakyatan?" tanong naman ni Emmy.
"Oo nga bro, hindi basta-basta ang materials na ginamit dyan sa pader na yan" sang-ayon naman ni Morgan.
Ngumiti ako na nakapag-pataka sa kanila.
"That's why we have you Ollie and Morgan, gagawa tayo ng granada na mas malalakas ang impact kaysa sa usual na ginagamit niyo sa tuwing nakikipag laban" paliwanag ko tiyaka niyaya na silang kumain.
Isa lang ang nasisiguro ko, meron pang mga taong nangangailangan ng tulong ko, namin kahit na itinaboy nila kami noon ay gusto ko pa ring makatulong.
-🔥-
Author's note:
Eyy! Sorry for the short update, don't worry next time mas hahaba na sa next chapters.I hope you enjoy it:>
PLEASE vote and comment na rin po
~coninde
YOU ARE READING
THE BLOODY APOCALYPSE WAR 2020
ActionA group of teenagers who lived a normal life right before the pandemic came. They all belong to a different level of life on the society,some belongs to the low class families,the others are from the middle class families while the rest of them came...