Bagong pasok ako noon dito sa seminaryo
Nakilala kita sa lugar na tawagin nating komplikado
Sa lugar na ang isipan ay pabago-bago
Ngunit sa bandang huli ay nabuo parin ang salitang tayo.
Natanggap ko ang salitang "Oo" sa loob ng apat na araw
Kaligayaha'y noon kahit malayo ay aking natatanaw
Tuwing uwian ay sinusulit ang oras habang kasama ka pa sa labas
Ngunit sa loob ng dalawang buwan at dalawamput-dalawang araw tayo ay nagwakas.
Tanggap ko noon kung bakit ika'y lumisan at hindi nagparamdam
Bagkus sa sitwasyon natin, mga mata sa paligid ay di mo nakayanan
Sana ay masaya ka na sa napili mong desisyon
Dating nagpapatibok sa akin ay masaya na sa dating kasintahan niya din noon.