Apat na buwan palang magmula ng ako'y iniwan
Ngayo'y dumating ang isa ng hindi ko inaasahan
Bakit nga ba tumibok na naman ang puso sa ganitong bagay?
Aling daan kaya ang aking tatahakin sa aking paglalakbay?
Panginoon, ituro sa akin ang nararapat na bokasyon
Ako'y patuloy mong hinuhubog ngunit hindi sa iyo ang aking atensyon
Isip ay liwanagin ng wala ng pagpipilian
Sapagkat puso'y nawari at sa kanya'y nahulog ng lubusan.
Ayokong makasakit ng damdamin ng iba
Isang masakit na desisyon ang pumili sa dalawa
Aking ama aking tatanggapin kung saang tadhana man ako nararapat
kung dumating man ang panahon na ako'y susunod sa iyong yapak
Sana huwag mo siyang hayaan at iligtas mo siya sa habang buhay na pag-iyak.