Chapter 24

34.9K 1.1K 346
                                    

Chapter 24

Halos hindi ako nakakain nang maayos dahil nandoon sina Uriah. Lumipat kami ng table kung saan magkakasya kaming pito. Samuel kept on glancing at me, alam kasing iniiwasan ko si Uriah.

I ate in silence. Tanging si Jude at Samuel ang maingay. Uriah did not eat. He just sat on a chair across mine at nakatitig lang sa lamesang nasa harapan naming dalawa. Hanggang sa natapos ang break time, tahimik lang ako at iniiwasang tingnan si Uriah. Pakiramdam ko, gano'n din ang ginagawa n'ya.

Umalis kami kaagad do'n ni Serah para bumalik sa klase namin nang matapos ang break time. Parehas kaming tahimik. Kinakabahan ako at nag-aalala kaya nag-isip agad ng paraan para maka-usap si Serah.

"Nakasalubong ko si Samuel kanina," kuwento ko, trying to explain because Serah might misinterpret it.

Sabi ko sa kan'ya, nagpapa-miss lang ako kay Uriah. I told her that I won't eat tapos ay makikita n'ya ako na kumakain sa kabilang cafeteria kasama si Samuel. Even to me, it sounds wrong. 

"Nagutom kasi ako—" 

Hindi pa man ako tapos sa pagsasalita, ngumiti na si Serah at nilingon ako pero agad akong nasaktan nang makitang hindi umabot sa mga mata n'ya ang ngiti n'ya. Agad akong napahinga nang malalim.

"May assignment ba tayo?" She shifted the topic and I bit my lip.

Umiling ako bilang sagot at tumango naman si Serah, iniwas na ang tingin sa akin at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa klase.

Ayaw n'yang pag-usapan. Serah keeps track of our school works. She knows our tasks better than I do. Bakit n'ya itatanong 'yan sa akin kung alam n'ya naman ang sagot? She just wants to dodge the topic.

Nasaktan ako dahil parang ayaw n'yang pakinggan ang dahilan ko. May dahilan naman ako. Kaya ko namang ipaliwanag.

But days after that, I felt that Serah and I started drifting apart. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaka-isip no'n o talagang lumalayo s'ya sa'kin.

Sa tuwing may itatanong ako at may ikinu-kuwento, ngumingiti naman s'ya at sumasagot nang maayos pero pakiramdam ko, may pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa. She feels distant and cold, different from before.

Sa ibang mga kaklase ko, tumatawa pa rin naman s'ya tulad nang kung paano s'ya dati, pero pagdating sa akin, I noticed that she's treating me blandly. She doesn't ask for me anymore. Hindi na s'ya ang nagsisimula ng usapan.

Napapikit ako at kumuyom ang panga ko. When did it start? Bakit biglang parang ang bigat ng nararamdaman ko? It started lightly. Sa amin ni Uriah. Pero habang lumilipas ang mga araw at tumatagal ang lahat ng nararamdaman, parang bumibigat lang ang lahat. Habang pinapalipas ko ang lahat ng sama ng loob at hindi pagkaka-unawaan, lalong lumalabo ang lahat.

I realized that I should've explained to Serah. Kahit na hindi n'ya gustong marinig ang ekplanasyon ko nang mga oras na 'yon, dapat nag-explain pa rin ako sa kan'ya. Because she needs to know. She needs to so she wouldn't conclude things about me. So she wouldn't lose her trust in me.

So I decided to talk to her.

I hate confrontations and I know that Serah hates it too. Kaya nang hilahin ko s'ya sa tahimik na parte ng Torrero University, hindi ko mapigilang masaktan. Hindi ko alam kung bakit parang ang laki ng lamat sa pagitan naming dalawa. Nasasaktan ako na hindi naman kami ganito dati pero bakit ngayon... parang sirang-sira na ang lahat?

Just because I let the days pass. Just because I delayed my reasons.

Pero ngayong nandito na kami sa situwasyong 'to, hindi ko na maibabalik ang pagkakataon. Hindi ko na maiikot ang oras.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon