Prologue

126 3 1
                                    

Lightsticks…

Fan screams…

 Fan boards...

Posters…

Albums…

Banners...

Cameras Flashing...

Music’s starting...

Spazzing…

Yan lang naman ang mga bagay na bumubuo sa trabaho ko.

Sa hobby ko…Fangirling.

Trabaho rin ba ang sabi ko?

Oo, trabaho siya dahil hindi madali ang maging isang fangirl. Especially a hardcore one. Bibili ka ng bawat album ng favourite group mo everytime na lalabas, magi-ipon ka ng bonggang bongga para lang mapanuod sila ng live, pipila ka nang napaka-haba at napaka-aga para lang makita sila ng harapan. Kung baga yun yung mga mahirap na part, pero ang parang ‘sweldo’ namin ay ang kaway at ngiti nila na binibigay sa amin.

Hobby. Hobby dahil nage-enjoy naman ako sa ginagawa ko. Kahit nahihirapan ako minsan, mas umaaapaw pa rin yung enjoyment. Yung feeling na hindi ka nagsasawang pag-usapan sila ng mga kaibigan mo at paulit-ulit mong pinapatugtog ang mga kanta nila, o kaya naman tinititigan ang mga pagmumukha nila na kulang na lang ay matunaw sila.

Bilang fangirl, di maiiwasan na magpantasya.

Aaaahhh!!! Afuhdgshafjsdufjhdsfdbdsjff, nakita ko na rin ang asawa ko!

Asawa. Boyfriend. Honey. Fiance. Syota. Akin.

Ang mga tawag namin sa mga bias o favourite member sa particular na grupo na ‘yon.

Hoy! Wag kang manga-agaw ng asawa ng may asawa.”

Common na linya kapag nalaman mo na may kapareho kang bias ng kaibigan o kakilala mo.

Monthsary na nga namin kahapon eh. Umuwi pa siya ng bahay.”

Oh diba?! Pantasya overload.

Hindi kami baliw, talagang to the highest level lang ang pagpapantasya namin.

Ako nga pala si Stacey. 17 years old. College Student ako sa PUP, di ako super talino, hindi din naming super boblaks. Average lang.

Mag-aaral ako kapag di sinasaniban ni katam. Maga-absent sa pangsariling kadahilanan.

Single ako, at masakit isipin na sa 3 break-ups ko. Iisa lang ang dahilan.

Mas pinapahalagahan mo pa yang mga idol mo kaysa sa akin.”

Ang linyang narinig ko na lumabas sa mga bibig nila.

Parehong-pareho.

Kuhang-kuha.

Mas alam mo pa ang birthday niya kaysa sa monthsary natin.”

Grabe ko nasaktan yung mga lalaking lubusang nagmahal sa akin.

Naging selfish ako pero…

Siguro dito lang talaga ako masaya.

Pumili ka, ako… o ang bias mo?”

Yan ang huling sinabi sa akin ng latest ex-boyfriend ko.

At alam niyo naman na siguro yun sagot ko…

After nung break-up namin, nagsisi ako nung lubusan noon. Umiiyak ako araw at gabi kahit alam kong kasalanan ko naman ang lahat. Nagmamahal ako sa mga taong hindi naman ako kilala samantalang hindi ko na napapansin ang mga taong nakapaligid sa akin na nagbibigay ng labis na pagmamahal.

Ows? Mahal mo siya? Eh… kilala ka ba niya?”

Tanong sa akin ni mama after nung break-up at sinabi ko ang dahilan. Na dahil kami naghiwalay ay mas pinili ko ang bias ko. Noong panahong yun, parang may matibay at malaking kaserola ang ihinampas sa akin. Nagising ako sa katotohanan. Nagbago ang pagtingin ko sa trabaho ko.

Pero 3 months later…

Nagbago na naman ang lahat.

Pangyayaring nagbago sa buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FANGIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon