•FLASHBACK
Mazikeen's POV
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you Mazikeen!" Everybody is singing while I'm blowing my cake. Today is my 7th birthday. All of us were tired yet happy because of the preparation of this day.
Right now, I'm standing beside my four layer cake dahil wala na akong pwesto sa couch na nakadisplay sa stage na siyang upuan ko kanina. Nakalagay kasi ron ang mga regalong natanggap ko mula sa kung kani-kanino. Napakaraming tao ang nandito, mga relatives namin at mga business partners nila Mommy at Daddy.
Nababagot na ako mula sa pagkakatayo rito sa harapan dahil nananakit na ang mga paa ko, they told me to wear this heels pero patatayuin pala nila ako ng ganito rito.
Aalis na sana ako nang biglang may isang batang lalaki ang lumapit sa'kin na may dalang upuan at inalok ito sa akin. Dali dali ko naman itong kinuha dahil ngawit na ngawit na ang aking paa.
"Thank you." Tipid kong usal.
"You're welcome, birthday girl." Aniya at ngumiti pa sa'kin bago umalis.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaupo na ako. Inis kong tinaggal mula sa aking mga paa ang mga heels na pinasuot sa akin.
These are really disgusting! I am not going to wear them again, ever!~•~
*RINGGG!*
*RINGGG!*
*RINGGG!*I eagerly woke up as my alarm clock ringed. Today is my 16th birthday. My phone is beeping, it has a lot of notifications from my different accounts. I checked them one by one. Most of them are my friends.
I dialed Cat's number. She answered after a minute.
"Hoy, gaga ka! Birthday mo? HAHAHA." argh, same old Catharina.
"Can you go with me?" I asked.
"Of course girl, saan ba 'yan? Ano? Wala atang party ang prinsesa?" Aniya habang tumatawa.
"Just shut up, gaga ka. Ayaw mo? Mags-shopping ako, o sige. Ayaw mo, si Quira na—" Ani ko kunwari at mabilis naman siyang sumagot.
"Ito na nga oh, papunta na! Ito naman! Asan ka ba, ha?" Natawa pa ako dahil dama sa pananalita niya na excited na siya.
And yes, she's right. Walang kahit anong ganap ngayon para sa 16th birthday ko. I was the one who decided. Kasi alam kong mapapagod lang naman ako imbis na ma-enjoy ko ang araw ko. Kaya I just told them to give me atleast one hundred thousand para makapag-shopping ako and I can do what I want. Hindi naman sila umangal kaya ito ngayon, I have one hundred thousand in my bag and nag deposit ng another 500K si Dad sa ATM ko.
Yeah, I can say that I'm rich. Pero iilan lang ang mga kaibigan ko na mayayaman kagaya ko, actually si Tathiana at Ezra lang ang mayaman. Then most of them ay kagaya lamang ni Catharina.
Simple lang ang buhay nila Catharina, nag-uulam ng tuyo at itlog sa umaga, simpleng bahay at simpleng pamumuhay. 'Yung bang, kahit sobrang yaman mo, maiinggit ka parin sa pamilya niya dahil masaya sila at sama-sama. Na kahit sa simpleng paraan lang ay napapasaya nila ang isa't isa.
Two to Trice a week kung dumalaw ako sa bahay nila Catharina. Natutuwa ako kasi masasaya ang mga kapatid at magulang niya sa t'wing dumadalaw ako sa kanila. Madalas din akong namimili ng groceries sa mall para sa kanila at hindi naman uma-angal sila Mom at Dad don. Besides, I'm using my own money, ang mga natitira sa weekly allowance ko ang ginagamit ko, pero dinadagdagan ito nila Mommy at Daddy sa t'wing pamimili ko sila Catharina.
YOU ARE READING
Island Of Secrets
General FictionMazikeen is the only child of a wealthy family, she is spoiled and she always get what she wants. But everything changed when she turned eighteen. It all seemed like a nightmare to her. But there is someone that will help her to get rid of her night...