Ang piyesang ito ay pinamagatang
"Cool off"Sabi mo pahinga muna,
Huminga muna tayong dalawa dahil masyadong nang masakit
Masyado nang masikipSabi mo cool off muna tayo
Cool off!
Ibig sabihin magpapalamig ka
At mag papalamig akoHahanapin ko yong sarili ko
At hahanapin mo yong sayoPero parang iba ata ang nahanap mo
Hindi ang sarili mo ang hinanap mo
kundi yong ibang magpapainit sayoKitang kita ko kung paano ka lumandi sa ibang tao
Ginagawa mo ata akung gogo!Nakikipag landian ka
Habang ako umaasang pag katapos nito ayy may babalikan paPero parang ang labo, sing labong mangyaring babalikan mo ako
Dahil ang sabi mo na baka sa espasyong ito ay bumalik tayo sa dati.
Pero alam mo ngayon ko lang na pag tanto, na tama ka,
Nang dahil sa espasyong hiningi mo ay bumalik tayo sa dati, sa dating hindi mag ka kilalaOo sa dating hindi pa kita kilala,
Sa dating wala pa tayong pakialam sa isat isa.Nakalimutan mona ba?
Nakalimotan mo naba nong una tayong mag kakilalaNa kung paano mo ako tingnan?
At kung papaano mo ako hawakan?Yon! Yon yong mga bagay na madalas mong ginagawa.
Na ngayon ay sa kanya muna pinapakita.Gusto kung sabihin sa mundo na akin ka.
Pag mamay ari kita
Pero akin kaba talaga?Bakit sa kwento ko ikaw lang, sa bawat pahina, pag mamahal ko sayo ang naka sulat
Nakaukit na ang pangalan mo sa puso ko na hindi na pweding ma bura.
Pero bakit sa kwento mo may ibang karakter na akung nakikitaIbang karakter, na parang siya yong bida, at ako yong taga kontra,
Nasasaktan ako, masakit pakinggan na wala akung magawa habang kasama mo siya
Gusto kung isipin na ako parin.
Ako parin ang iyong prensessa
Ako parin ang iyong prensessa na balang araw ay iyong magiging reyna.Natatandaan mo paba yong sinabi mong handa kang magsilbing kawal maprotektahan lang ang iyong mahal, ang prensessang iyong minamahal.
At umasa akung ang prensessang tinutukoy mo ay ako,
Pero parang nag iba ang ihip nang mundo,Bakit pakiramdam ko ako yong tinutukoy mong mananakit sa prensessa mo.
Nagugulohan ako, ako paba?
Ako paba ang tinutukoy mong iyong prensessa,O may papalit na,
O baka mas tamang sabihing may pumalit naNasan na yong katagang mahal kita?
Nasan na yong pangako mong hanggang sa dulo nang mundo ay sasamahan kita,
Nasan na ang palasyong pinangako mo?Baka naman hindi talaga para sa akin ang palasyong tinutukoy mo?
O baka naman malisyosa lang ako
Binibigyan ko nang kahulogan ang mga bagay na ginagawa niyo, na dati tayo ang gumagawa nito.
BINABASA MO ANG
TRAPPED TO YOUR LOVE
Teen FictionHindi alam kung ano ang paniniwalaan, ang nakaraan ba na hindi niya maalala o ang nangyayari sa kasalukayan kasama ang taong natutunan niyang mahalin Paano kung isang araw bigla nalang bumalik ang ala alang nawala dahil sa kagagawan nang taong dati...