Ericson POV
Hindi na ako aasang papayag siya sa hinihingi kung pabor, hindi ko alam kung bakit ko to hinihingi sa kanya pero parang gusto din nang katawan ko na itigil muna ang ang bangayan namin at maging good sa isat isa.
Nagulat ako nang bigla siyang umopo sa gilid nang tulay, hindi ko inaasahan to, ibig bang sabihin pumapayag siya sa pabor na hinihingi ko?
Umopo nalang din ako,at ibinigay sa kanya ang isang mais na binili ko at sa akin naman yong isa.
Nakatitig lang siya sa mga bituwin sa langit, pinag mamasdan ko siya habang naka tingala sa langit.Mas maganda pala siya pag kalmado, hindi ko pa kasi siya nakikita na kalmado habang kaharap ako, kasi naman kahit ilang metro lang ang layo ko sa kanya bigla nalang napapalitan nang inis yong ekspresyon niya.
Alam mo nong nag hiwalay yong parents ko, wala akung ibang matakbuhan, wala akung ibang makapitan, wala akung mapag sabihan, nong nag separate sila ako yong naiwan, hanggang sa dinala ako nang mga paa ko dito,yong sunset na lumolubog dito ang naging stress reliever ko non, yong para bang nagiging kalmado ang isip ko sa tuwing nakikita ang sunset na palubog,kaya kung may problema ako dito ko dinadala ang sarili ko kasi kahit isigaw ko ang lahat nang sakit walang mangingialam sa akin.
Alam kung mag mumukha akung tanga kaka kwento dito dahil alam kung di siya makikinig, pero gusto kung makilala niya ako bilang ako, hindi bilang isang Ericsson Rameriz na gago.
So bakit mo ako dinala dito! Bigla akung napaigtad nang nag salita siya, hindi ko inaasahan na sasagot siya pero ito siya kinakausap ako.
Tumingin ako sa kanya, at nakatingin naman siya sa akin,
Hindi ko din alam, pero siguro dahil alam kung may galit ka sa akin, kaya naisip ko na dalhin ka dito nang sa ganon maisigaw mo lahat nang galit at inis diyan sa loob mo! Paliwanag ko.Hindi ako galit sayo, naiinis? Oo! Kasi naman lahat nang mga gingawa ko pinapakialamanan mo lahat nang desisyon ko kinokontra mo lahat nang ayaw ko ginagawa mo, sino bang hindi maiinis niyan.
Ibang Issa ang nakikita ko ngayon, hindi siya yong Issa na maangas Hindi siya yong Issa na Nananakit, hindi siya yong Issa na nagmamaldita at lalo na hindi siya yong Issa na laging galit.Dahil ang nakikita ko ngayon ang Issa na soft hearted, yong Issa na subrang sarap kasama.
Hindi ka galit? Paninigurado ko.
Hindi, hindi mo naman ako sinaktan, nong una oo nong una tayong nag kita, binangga mo nga ako non ang sakit nga nong balikat ko.
Bigla akung natawa kasi naalala ko yong una naming pagkikita, binato niya ako nang libro non tapos binangasan pa ako,siya yong unang babaeng nagawa akung suntukin at siya rin yong unang babaeng sinampal ako dahil isa akung gago at walang respeto.
Pasensya kana don ahhh, subrang sira kasi nang araw ko non, nalaman ko kasi sa daddy na mag di devours na sila ni mom, oo aware ako na hiwalay na sila pero nong panahong yon umaasa pa kasi ako na baka pwedi pa, na baka may pag asa pa na mabuo yong pamilya namin,untill nalaman ko nalang na mag aasawa na pala nang iba ang daddy ko. Paliwanag ko sa kanya.
Tika bakit kinikwento ko to sa kanya.
Anong nangyayari sa akin, hindi ako to, ni kahit minsan hindi ako nag kukwento sa kahit na kanino lalo na pag sa personal kung buhay.
Binalatan na niya yong mais at kumagat dito, kumain na din ako.
So?, ito ba yong dinner date na kapalit sa 50 million mo?,
Nandito tayo sa isang tulay kumakain nang mais? Natatawa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
TRAPPED TO YOUR LOVE
Fiksi RemajaHindi alam kung ano ang paniniwalaan, ang nakaraan ba na hindi niya maalala o ang nangyayari sa kasalukayan kasama ang taong natutunan niyang mahalin Paano kung isang araw bigla nalang bumalik ang ala alang nawala dahil sa kagagawan nang taong dati...