Primero
"Ayos ka lang?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Godwyn. Panay lang ang paghablot ko ng damit sa walk-in-closet ko dahil may flight ako bukas ng umaga. Nakaupo lang siya sa kama ko at nakatingin sakin.
"Busy ako. Pwede sa ibang araw mo nalang ako guluhin, please?" pakiusap ko.
He rolled his eyes. "Arte mo."
Sinara ko ang maleta ko tsaka tumingin sakanya.
"Umalis ka na nga sa kwarto ko!"
Hinila ko siya patayo sa kama ko tsaka tinulak palabas. Mas matangkad siya sakin kaya nahirapan akong paalisin siya.
"Inassign ako ni Sam na maging head engineer ng pinapagawa niyang building kaya hindi ko magagawa yung bahay mo."
Nanlaki ang mata ko tsaka pinalo siya sa braso.
"Grabe! Mas inuna mo talaga yung sakanya kesa sakin na kapatid mo?!"
"Wag ka ngang madrama!" sigaw niya tsaka sumandal sa door frame at pinagkrus ang braso. "Gagawin pa rin naman yung bahay mo, okay? Hindi nga lang ako ang gagawa non."
Kumunot ang noo ko.
"Sino ang gagawa kung ganon?"
"Don't worry, magaling na engineer yon. Mas magaling nga lang ako."
"Yabang," I scoffed. "Sino ba kasi yon?"
Ngumisi siya.
Kinabahan ako.
Hindi. I'm sure hindi siya yon. Imposibleng siya yon.
"I'm sure you're familiar with Engr. Ken Andrez, right ate?"
Shit!