CHAPTER 8

0 0 0
                                    


Pamilyar na lugar ang bumungad sakin pag gising ko. Napagtanto ko na nasa bahay na ako at nakahiga sa aking kama. Inalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay at kusang pumasok sa isip ko ang pambabalewala ng mga kaibigan ko sa mismong kaarawan ko. Hindi ko akalaing makakalimutan nila ang mismong birthday ko. Hindi rin matanggap ng sistema ko na pati si Ken ay mukhang wala ring pakealam.

Mahina akong natawa hanggang sa 'di ko namalayan na panay na pala ang pagtulo ng mga luha ko.

"Happy Birthday panget!"

Natigilan ako ng makita ko ang mga kapatid kong may hawak na maliit na cake at may kandila sa gitna. Hindi ko napigilan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko.

"Puro ka iyak kaya ang pangit mo e," saad ni Godwyn na s'yang may hawak ng cake. "Hobby mo ba umiyak?" pang aasar niya pa.

"Happy Birthday, ate!" bati ni Leo sakin at nabigla ako nang punasan n'ya ako ng icing sa mukha.

"Thank you, akala ko nakalimutan niyo!" singhal ko at natawa naman sila.

"Wag ka masyadong madrama, kinalimutan mo din birthday ko oy!" pagbabalik ni godwyn sa akin. "Di ko gagawin to kung wala akong pera pasalamat ka."

"Sus daming alam, bumili ka naman." pangaasar ni Grant sakanya.

"Aba! Pinagtutulungan nyo pa ako ha!"

Natawa nalang kami sa reaksyon ni Godwyn na animong pinagtutulungan namin.

"Ahm, sino nagdala sakin dito?" tanong ko habang kumakain kami.

Si Ken siguro kasi malamang nag alala yon sakin.

"Ako." tugon ni Godwyn

Natigilan ako sa pagsubo ng sabihin iyon ni Godwyn. Napatitig ako sakanya. Siguro nang aasar lang to. Kasi bakit naman papabayaan ako don ng mga kaibigan ko? Ni Ken?

Hindi ako naniniwalang siya ang nagdala sakin dito. Pero hindi rin yon imposible e. Bakit hindi yung mga kaibigan ko? Bakit hindi ako hinatid ni Ken? Si Andrew, iniwan niya lang ba ako don?

"Nakita kita sa tapat ng tindahan malapit sa school," kwento ni Godwyn. Umawang ang labi ko. "Maputla ka kase hindi ka man lang nag-almusal at nag-tanghalian, ginigising kita kasi mukha kang tanga na nakahiga don pero hindi dumidilat yung pangit mong mata." bumuntong hininga siya at tumingin ng deretso sakin at umiiling-iling. "Binuhat kita dahil wala namang interesadong tumulong sayo don." sabi nya habang nakatingin ng deretso sakin.

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi ni Godwyn. Hindi ko inakalang ganun ang nangyari sakin, pinabayaan nila ako sa kalsada ng parang basura.

"May sasabihin ako sayong importante at isa lang ang choice natin." sabi ni Godwyn habang mabilis na tinapos ang kinakain.

Nang tumayo si Godwyn sumunod naman ako sakanya. Sa sobrang kaba ko hindi ko namanalayan na nasa tapat kami ng bar pero hindi naman kami pumasok. Napatingin ako kay Godwyn ng abutan niya ako ng sigarilyo.

"Nagyoyosi ka?" tanong ko.

Tumango naman siya.

"Sa dami ng problema ko wala na akong oras para sa sarili ko." tugon nya habang naghihithit ng sigarilyo.

"Paano mo nalaman na nagsisigarilyo ako?"

Umirap siya.

"Nakakalat lagi ang bag mo kahit lapitan ko lang yun amoy yosi na," sabi niya. "Pati ba naman sa eskwelahan di mo mapigilan yang bisyo mo."

"Tss! Kaya nga bisyo di ba?" tugon ko.

"Tibay!" singhal niya.

"Ayaw ko na magyosi sinabihan ako ni Ken wag daw ako magyoyosi."

"Ah under ka parin hanggang ngayon sa boylet mo?"

Hindi na ako sumagot at inirapan ko nalang siya at nilagay sa bulsa niya yung yosi na binigay niya sakin. Ang layo ng pinagbago ni Godwyn, mas lalo siyang tumangkad at medyo pumayat at humaba na rin ang buhok niya.

"Wag mo ko tignan tumutulo na laway mo." pangaasar niya.

Hinampas ko yung braso niya at tinapat sakanya yung gitnang daliri ko.

"Oh, ano yung sasabihin mo?"

Tinapon niya yung sigarilyo niya at binuga yung huling usok at gumawa ng bilog na usok.

Kayabangan kahit kelan talaga!

"Naghiwalay na si tito at si mommy," panimula niya na siyang ikinagulat ko. "Nagchat si mommy sakin at sinabi yon, syempre nagmana ka sakaniya parehas kayong depress." pangaasar niya.

Lagi naman kasing naghihiwalay silang dalawa tapos magbabalikan. Nakakapagod silang tignan, maski oras pinagaawayan.

"Oh ano na mangyayari?" tanong ko.

"May sinalihan akong Quiz Bee, ipapanalo ko yun para makuha ko yung price na 5,000."

Napanganga naman ako sa sinabi niya dahil sa price na five thousand! Ang laki naman.

"Bumili muna tayo ng murang apartment para sating apat, hindi ko na kayang tumira dun sa bahay natin. Ang liit pero akala mo naman mansyon ang presyo." sambit niya.

"Ano iiwan natin si mommy?" nagaalalang tanong ko.

"Uso sa pamilya natin ang selfish, dun muna daw siya tutuloy kay tita Nhicee." sabi niya. "Walang kang magagawa kundi ang tumigil muna sa pagaaral at magtrabaho. Ate kailangan natin itayo yung pamilya natin habang wala tayong maaasahan."

Nanatili lang akong tahimik at pinagisipan ang desisyon namin. Wala naman kasi akong magagawa ganito ang buhay namin. Pinalaki kaming maagang naging responsibilidad ang pamilya namin, kaya wala talaga akong choice.

"Magtatrabaho ako, pero hindi ka titigil sa pagaaral. Okay?" sabi ko sakanya napansin ko namang seryoso siya.

"Oo ate, pagaralin muna natin yung dalawa."

"Nakahanap ka ba ng apartment?"

Tumango naman siya at kinuha ang cellphone niya mula sa bulsa niya. Napansin ko ng pormal ang damit niya. Black shirt at naka slucks na itim.

"San ka galing? Nakaporma ka? Ano koryano ang peg?" sabi ko habang pinagaaralan ang kabuoan niya.

"Galing ako sa mall," panimula niya. "Interview ko for Call center hindi ako natanggap dahil hindi allowed ang student, kaya yun."

Napanganga nanaman ako sa sinabi niya.

"Ano?!" sigaw ko sakaniya pero ngumisi lang siya.

"Hindi na nga pwede diba?" pinitik niya yung noo ko at inambahan ko naman siya. "... still i buy your cake."

"Salamat. Turuan mo ko magenglish dali!" sabi ko.

Iiling-iling naman siyang napangisi

"Ate ang ingay mo nakakahiya!" sabi niya titingin tingin sa mga babae na dumadaan.

Piningot ko naman siya kaya napasigaw siya.

"Ikaw!" singhal habang dinuduro ko siya. "Tigil tigilan mo yang makasalanan mong mata, ayaw ko maging batang tita."

"Kesa naman maghing batang ina," sambit niya "Oh ayan!"

Ipinakita niya naman sakin yung apartment na nakita niya. Isa iyong maliit na bahay pero pwede na rin para saming apat. Pinagusapan namin iyon at inasikaso na ang mga kailangan asikasuhin para sa paglipat.

He Lied (Ongoing)Where stories live. Discover now