CHAPTER 2

6 0 0
                                    


Habang natatype ako may tumabi saakin Hindi ko naman pinasin dahil nakabaling ang atensyon ko sa phone. Hang nagii-scroll ako kinalabit nya ako.

"Ayos kalang?" tanong nito.

"Yeah," tugon ko "Bakit?"

"Umiiyak ka kanina e, are you sure?."

"Ah, wala yun drama lang." biro ko natawa naman sya.

Sandaling katahimikan. Iniwan n'ya akong magisa kaya naman napabuntong hininga nalang ako.

"Let's go?" anyaya niya.

"San naman?" kunot noong tanong ko.

"Libre kita, para ayos kana."

"Ayos lang naman ako. Pero di na kita tatanggihan."

Habang naglalakad ay kumakanta sya mahina lang pero nariring ko naman, maganda ang boses nya at malamig. Habang papunta kami sa lugawan may mga sumisitsit saking mga lalaki, nagulat nalang ako na inakbayan ako ni Ken.

"Wag nalang tayo dito," bulong nya. "... nababastos ka e."

Kasalanan ko rin e, ang iksi kasi ng short ko tas ang laki pa ng damit ko.
Nakakita kami ni Ken ng maliit na kalenderya madaling araw na rin kase kaya may mga bukas na tindahan na.

Si Ken na ang bumili dahil libre nya hinyaan ko nalang rin sya. Habang inaantay namin yung pagkain nagusap kami ni Ken tungkol sa barkada ko.

"Masayang kasama sila Lloyd, dito ako nagiistay kapag badtrip ako sa bahay," sabi ko.

"I see, so di ka uuwi ngayon?" tanong nya.

"Hindi. Ayaw kong mabungangaan ni mommy nakakairita sa tenga."

Natawa naman sya.

"Pasaway ka lang talaga, yun yung sabihin mo."

Napabuntong-hininga nalang ako. Totoo naman e, pasaway ako gusto ko lang naman ng konting atensyon. Lagi nalang kasi sa mga kapatid ko
ang atensyon nila. Lagi naman nila sinasabing malaki na ko. Nakakainis na.

Sabay na kaming kumain ni Ken hindi na kami nagsalita. Ang bait ni Ken hindi sya masyadong may itsura pero nadala ng kulay nya. Maputi si Ken at kulot, nakakainlove ang amoy nya.

Hindi ko namalayan na tapos na pala akong kumain siguro nga nagugutom talaga ako. Nang makabalik kami sa tambayan tulog na lahat ng barkada namin maski si Anica at Kate tulog na din siguro dahil nakainom sila ng marami. Kami nalang ni Ken ang gising.

"Charlotte?" tawag ni Ken sakin.

"What?"

"Di ka pa matutulog?"

"Saan ako pepwesto dito? Ang dami natin halos sakupin na nila yung kwarto," ani ko. "Tsaka tulog si sila Anica no choice ako."

"Ayaw mo talagang umuwi? Ihahatid kita if you want."

"No. I don't want to go home," sabi ko. "I need peace."

"Okay sit beside me, take a rest," sabi nya habang tinuro yung tabi nya dahil nasa sofa sya. "Mas comfortable dito."

Hindi na ako tumanggi at umupo sa sofa at sinandal ang batok ko sa sandalan ng sofa. Nagulat nalang ako ng hinawakan nya yung ulo ko at isandal sa balikat nya.

"Rest in peace," natatawang tugon nya habang tinatapik ang ulo ko.

Hindi na ako sumagot. Napagod talaga ako kakaisip ng kung ano-ano kaya naubos yung lakas ko. Hindi ko na namalayan nakatulog na ako.

--

Kinabukasan nagising ako sa ingay ng mga barkada ko, kaya naman tumayo na ako at pumunta sa CR naghilamos ako at naghanap ng pagkain sa lamesa pero wala akong nakita.

Wala akong nagawa kundi magyosi nalang para mawala ang gutom ko, hindi ko pa nasisindihan ang yosi nahablot na ni Ken yun.

"Stop smoking!" singhal nya.

"Nagugutom ako e," tugon ko.

"Lame reason."

Inirapan ko naman siya.

"Anong gagawin ko? Wala akong makain."

"Umuwi kana mamaya." utos nya.

"Bat ako uuwi? Ikaw ba naglayas?"

Hindi sya sumagot dahil pinutol nya yung yosi at tinapon, wala naman akong magawa kundi ang maghanap ng candy para may malasahan man lang ako. Nagpaalam na si Ken samin na uuwi na muna sya para maligo at babalik din kaagad, kaya naman ako nalang ang nagiisang babae dun dahil nakauwi na pala si Kate at Anica.

"Charlottte?" tawag ni Lloyd.

"Ano?"

"Umuwi kana mamaya, nagchachat sakin mommy mo e."

"Just block her," sambit ko habang nilalaro ko yung lighter.

"Charlotte kahit minsan makinig ka muna sakin, nagaalala lang ang mommy mo. Okay?"

Bumuntong hininga naman ako.

"Whatever."

Wala kasi akong nagagawa kapag nagchachat na si mommy sa mga barkada ko, nahihiya na din ako sakanila dahil nadadamay sila. Minsan na rin akong nagkarecord sa mga pulis dahil ilang araw na akong di umuwi. Ang huli kong nakasama nung araw na iyon ay sila Lloyd kaya naman nakasama na rin sila sa record na iyon. Muntik na rin sila mapaDSWD dahil wala silang mga magulang. Buti nalang at dumating si tito at tinulungan sila.

Babalik nanaman ako sa impyerno.

Hiniram ko muna ang phone ni Lloyd para mag online, wala kasi akong kausap ako nalang ang babae dito. Ang dami kong notifications kaya naman tinignan ko yun, natawa nalang ako dahil puro likes galing kay Ken.

Nagchat ako sakanya.

Charlotte Catillo: stalker?

Ken Andrez: Haha para malaman ko ano pinagdadaanan mo. Family?

Charlotte Castillo: as usual.

Ken Andrez: Papasok ka? Susunduin kita. okay?

Charlotte Castillo: for what? anong meron?

Ken Andrez: Peace:)

Hindi ko na nareplayan si Ken dahil nagchat si mommy, puro na nga capital dahil alam kong galit na si mommy. Pagkatapos kong gumamit ng cellphone ni Lloyd nagpaalam na akong umuwi nagsabi sila na sasamahan ako pero tumanggi ako kase baka sila mapagalitan ni mommy.

Papunta na ako ng bahay pero ramdam ko na ang galit ni mommy sakin dagdag pa yung mga kapatid ko na pipikunin nanaman ako. Nasa tapat na ako ng bahay nakikita ko si mommy na nagluluto kaya napa buntong hininga nalang ako.

Bahala na si Batman!

He Lied (Ongoing)Where stories live. Discover now