12: Rocco

73 3 2
                                    

Rocco

"Go, Woodridge! Go, Go, Woodridge! Aye!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Go, Woodridge! Go, Go, Woodridge! Aye!"

"Ang ingay naman dito. Bakit ba kasi kailangan nating manood? Practice lang naman nila ngayon ah." Binatukan ko agad si Maxton na katabi ko.

"Tanga! Hindi iyon ang pinunta natin dito."

"Then what?" tanong naman ni Sancho.

Magkakasama kaming Team SHS ngayon. Kakatapos lang ng mga klase namin kaya dumiretso kami sa soccer field para manood ng practice nila Arvid. Kung sineswerte ka nga naman at present rin ang mga magaganda naming cheerleaders.

"Ahh, alam ko na. Itong mga cheerleaders habol mo 'no? Sino ba d'yan, Crocs? That tall and sexy girl or itong cute na thick---" Isa pa 'tong si Kohen. Binatukan ko rin. Napakamanyak mag-isip. Napa-aray naman at hinimas ang ulong masakit.

"Alam kong magaganda sila. Wag ka ngang gago. Tsaka tigilan mo nga kakatawag sa akin ng Crocs. Pwede ba? Patay na iyong nickname na iyon! Binuhay niyo pa eh." Tinawanan naman nila ako kaya napailing na lang ako.

"Anyways, we're here dahil humingi ng favor si kuya."

"What does it have to do with us all?" Isa rin itong si Vinrad eh. Nakasunglasses pa akala mo artista. Marami pa rin naman nakakakilala sa kanya tapos pinapansin niya rin. Gulo rin eh.

"We're going to recruit our new member." Sabay sabay naman silang tumango tango.

Magsisimula na ang game at sitting pretty lang kami dito sa bleachers. May mga babae rin nagbubulungan sa paligid dahil magkakasama kaming lima. Wala si Enoch eh. Busy daw sa group presentation niya.

"Sino naman?" tanong ulit ni Max.

"Sino pa ba? Edi si--" hindi pa ako tapos magsalita sumingit na agad itong si Kohen.

"Ahh, si Hectore Brin. Tama ako 'no?" I just sighed and nodded. Tuwang tuwa naman si kupal dahil matagal na niya daw gusto makaclose ang isa sa mga MVP players ng Woodridge Soccer Team.

Well, MVP rin naman si kuya pero hindi sila ganoon kaayos ni Hectore dahil parang isang human air con itong si Hectore. Napakahangin. Kaya halos mga kaibigan niya, kinakaibigan lang siya dahil sa pera niya. And, kuya had a deal with him once.

That is, if his team loses today, kuya will leave the soccer team.

"Hindi ba manonood iyong iba?" tanong ni Vinrad.

"Hindi daw eh. They all have different agendas," sabi ko.

"Also, I heard that the older guys doesn't like to watch the game either," Sancho added.

Hindi na namin pinag-usapan ang mga kumag dahil expected ko nang nagpustahan nanaman sila kung madadala ba ni kuya si Hectore sa club. Kaya itong kuya ko naman, dinamay ako para tulungan siyang kumbinsihin si Hectore. At dahil magaling ako, nagresearch ako ng konti tungkol sa buhay ni Hectore para mapadali ang buhay ko.

Billionaire Boys Club: Recruiting [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon