Chapter 3

8 2 0
                                    

First time kong kumain sa canteen ng school na to kaya naman sinamahan ako ni Sydney bumili ng lunch.

Habang nakapila kami ni Sydney, narinig kong may nagsalita sa likod ko, pinaparinggan ata ako neto.

"Girls, do you know the transferee girl named Ysabelle? Our classmate? Inipit niya yung paa ni Elijah, sinadya niya yon kase binasa siya at pinahiya dati ni Elijah nung first day."

"Yes, nakita ko nga yon sinadya talaga niya yon! Tama ka Naomi"

"Baka naman di sinasadya!"

"Tumigil ka nga Ara, so kinakampihan mo na si tranferee girl huh? Don't mess with me Ara! Baka gusto mong isumbong kita kay tita na dalwa boyfriend mo!"

"Shut up Naomi!"

Di ko nalang sila pinansin at pinatulan baka magkagulo pa at magkameron agad ako ng record sa school na to, bago palang naman ako.

Bumili na kami ni Sydney at humanap kami ng mauupuan.

Nakita ko si Elijah na bumili rin ng pagkain niya at dumaan sa tabi ng table namin. Ayos naman siya maglakad ang daming arte. Umupo siya sa kabilang table malapit samin. Bigla nalang may lumipat na babae sa tapat niya.

"Who wants an ice cream?" Caleb shouted to the crowd.

Ginamit talaga niya yung card ko, ano na lang pang allowance ko next week?

Nakuha niya ang atensyon ng lahat and I saw how sydney look at caleb too.

Madami naman ang nagsalita na gusto daw nila at sabay binato ni Caleb ang ice cream sa kanila. Di ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagkain ko.

Malapit na akong matapos ng pumunta naman si Caleb sa harap ni Elijah, binigay ni Caleb ang card ko pahagis kay Elijah. Nakita ko kung pano titigan ni Elijah yung card ko na parang nagsisisi siya na nagamit yung card ko. Kala mo naman may pakealam siya sakin.

Lumipas ang ilang subjects after lunch at  sa wakas dismissal na din. Nalate na kami ni Sydney umalis ng room dahil cleaner kami ng lumabas na kami ng room habang naglalakad may nakita kaming group of people na nagsisigawan.

Sinilip ko kung anong meron doon. Mukang napansin ni Sydney kung anong tinitingnan ko.

"Practice yan ng mga varsity ng school, nandyan din sila Elijah. Gusto mong manood tayo?"

Dahil muka namang masayang manood at may free time pa ako bago umuwi, pumayag na ako kay Sydney.

"Sige, may free time pa naman ako" sabi ko at sabay ngiti sa kanya.

Naglakad kami papunta sa gilid kung saan kakaunti ang tao. Nakita ko agad si Elijah na hawak na agad ang bola ng basketball. Mukang ititira niya ito ng tres pero tumngin muna sya sa akin? sa akin? bakit sa akin? tumingin ako sa likudan ko at wala namang tao. Nginitian niya ako sabay ang pagshoot niya ng bola. Panalo sila!!! Nagsigawan ang mga tao na kala mo naman totoong laro na.

Nakipalakpak ako sa kanila ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko agad ang name ng nanay ko. Hindi naman niya ako tinatawagan unless may nangyaring masama.

Tumakbo agad ako kung saan tahimik at maririnig ko ang sasabihin niya.

"Hello?" sagot ko agad.

Dahil wala pang nagsasalita inulit ko ulit.

"Hello? Ma?"

Narinig ko ang iyak niya na agad na nagpakaba sa akin.

"Nak, punta ka ng hospital ang papa mo." Rinig na rinig ko ang hagulgol ni mama.

Di na ako nagpaligoy ligoy at mabilis na tumakbo papuntang gate para pumara ng taxi. Di ko napansin na nakasunod pala sa akin si Sydney.

Nag-aalala ang muka niyang nagtanong "Ysa?, Anong nangyari?"

"Syd, tumawag sakin si mama nasa hosiptal daw si papa, syd una na ako sayo ha, ingat ka wag kang papagabi ng uwi okay?"

"Gusto mong samahan kita?"

"No need na Syd, i can do it by myself. Thank you sa concern. Babalitaan nalang kita kung anong mangyayari ha!"

"Ingat ka Ysa!"

Tumango ako sa kanya and I smiled at her para naman di ko siya mapag alala.

Dahil may napara na akong taxi, sumakay na ako at sinabi ang hospital na nandoon sila mama.

Elijah's POV

Yes! Panalo kami, atleast dagdag points sa P.E. class kahit training lang naman.

Hinanap kaagad ng mata ko si Ysabelle. Kaso hindi ko siya makita. Nakita ko siyang tumakbo palabas kasama si Sydney. Tatakbo na sana ako sa direksyong tinakbuhan niya ng biglang nagkumpulan at niyakap ako ng mga kateam ko.

"Tol, ang galing mo don!! Pasado na ako sa P.E, yess!! Thanks tol!"

"Galing mo pare!!"

Ang iingay nila hindi ko na tuloy nakita kung saan pumunta si Ysa.

"Good job, Eli. Sabi sayo kaya mo yon e. Sa susunod na tunay na laban galingan mo pa lalo ha" sabi ni coach Erwin.

"Thank you po. Sige po coach, pede na po ba umuwi?" I said and chuckled.

"May hinahabol ka ata ah? Babae nanaman? Sige na"

Tumawa nalang ako sa kanya. Anong babae nanaman? Wala nga ako non e. Anong chismis nanaman yon.

Tumakbo na agad ako papunta palabas pero di ko siya nakita doon. Nakita ko lang si Sydney na papunta sa canteen. Sinundan ko siya.

"Sydney!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Hinahanap mo ba si Ysa?"

"Oo, nakita mo ba siya? Diba kasama mo siya kanina?"

"May pupuntahan siya, di niya sinabi kung saan. Wag mo nang balaking puntahan. Binabalaan kita Eli, wag si Ysa. Please lang. Kilala na kita Eli, wag mong subukan o sasabihin ko kay Ysa tunay mong pagkatao."

"Ano nanaman ba Sydney? Anong sinasabi mo dyan. Wala akong gusto kay Ysa, bibigay ko lang sana yung card niya." sabi ko ng may diin sa wala akong gusto kay Ysa.

"Dun din yan papunta!" she said and smiled at me like a demon

"What the hell Sydney! What face is that?"

"Talk to my hand"

Nababaliw na ata to, di ko na alam kung sinapian ba o ano. Talk to my hand ka dyan. Di ko nalang siya kinausap at umalis na.

Siguro bukas ko nalang ibibigay sa kanya yung card. Lagyan ko nalang ng pera para naman makabawi sa ginawa ni Caleb. Ginawa ba namang pambili ng icecream sa mga students na nasa canteen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now