CHAPTER 7

56 7 5
                                    

Chapter 7

Haven


Maglalunch time na, nandito kami sa headquarters. Wala ata silang balak kumain sa cafeteria ngayon. Vacant namin kaya nandito kami ni Yvor simula pa kanina. Wala si Ethos dahil ngayon ang start ng taping niya para sa bago niyang movie. 

Tahimik kaming nanunuod ng Conjuring na horror movie. Nakapatay ang ilaw. Lahat kami sa TV nakatutok. Tinignan ko si Cody na nakayakap sa braso ko at takot na takot. Nagtatakip pa siya gamit yung throw pillow. 

Nang biglang bumukas ang pinto ng headquarters.

"Nak ng pucha naman, Renzo!" sigaw ni Laxus kay Renzo na biglang pumasok sa kalagitnaan ng nakakatakot na scene.


Nakakagulat naman talaga siya. Ang dilim dilim pa naman. Binuksan niya na ang ilaw kaya nakita namin ang sugat niya sa gilid ng labi. Anong nangyari sa kanya? 



"Akala ko absent ka ngayon kasi— anong nangyari sayo?" 

Natigil ang sanang sasabihin ni Austin nang makita niya ang sugat ni Renzo. Tumayo ako at lumapit sa kanila. 



Bumuntong hininga si Renzo "Napaaway nanaman ako sa Dad ko" sagot niya.


"Sino nanamang pinipilit niya sayo ngayon?" tanong ni Zach.


Hindi sumagot si Renzo. Nilabas niya lang sa bag niya ang mga kulay white na envelope. Inabot niya ito kay Austin. 

"Ano 'to?" tanong ni Austin habang tinitignan ang mga envelope na nasa kamay niya. 

"Wag mo sabihing may sinalihan kang pageant at nagso-solicit ka sa amin?" tanong ni Yvor.


Ngumiti lang si Renzo, pero nakikita ko sa mata niyang hindi siya masaya.


"Get one and pass" nakangiti niyang sabi kay Austin.


Kinuha ko ang inabot ni Austin at agad na binuksan ito. It's an invitation. A wedding invitation—



Renzo's wedding?!?!


Bumalik ang tingin ko kay Renzo nang mabasa ko ang pangalan niya sa invitation. 



"Why are you marrying Grace?" gulat na tanong ni Raven. 

"Are you sure you're still sane?" tanong ni Sven.


"Alam ba 'to ni Kristina? Anong reaksyon niya? For sure, magwawala 'yon kasi matatali ka na" sabi ni Laxus.

Ngumiti si Renzo ng malungkot.


"Bakit ka pumayag?" tanong ni Yvor.


Ang dami na nilang tanong, pero ni isa wala pa siyang nasasagot.


"Wala akong magawa. Babawiin niya lahat ng meron ako. Pag nangyari 'yon...." bumuntong hininga siya.


"......pati kayo mawawala sa 'kin"


Lumapit sa kanya si Cody.


"I'll hug you" malungkot na sabi ni Cody at niyakap mula sa likod si Renzo.


Hinawakan lang ni Renzo ang braso niyang nakayakap. He needs to be comforted.


"Pumayag din 'yung bride?" tanong ko.


"Patay na patay 'yon si Grace kay Renzo. Siguradong nagsasaya na 'yon ngayon" sabi ni Zach.


Kaya naman pala. Sayang din. Marami pa namang nagkakagusto kay Renzo dito.


That Night in April (Expensive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon