Silvery's POV
'ang weird niya talaga'
Nakatingin ako ngayon sa lec namin na nagtuturo ng Biology, pero na-aagaw ang atensiyon ko kay Einstein Jr. na ngingiti-ngiti pang nakatingin sa board.
'Ang saya niya ata ngayon?'
Aaminin kong ang gwapo niya kapag nakangiti, pero parang nasubrahan naman ata? Anong nakakatuwa sa blankong white board?
'Baka ngayon lang siya nakakita ng ganyan? Imposible!'
Iiling-iling pa'kong bumaling nalang sa lec namin, pero inaagaw paren talaga niya ang atensiyon ko. Gustong ko siyang tanongin kung anong nasa-isip niya, pero nakakahiya naman.
'Baka isipin niyang chismosa ako, well minsan lang naman, hehe'
"So ayun na nga blaa blaa blaa blaa" hindi ko na masyadong naintindihan ang sinabi ng lec namin nang napaisip ako.
'Kailan ko kaya makikita ulit si Bam-Bam noh?'
Napapa-iling iling pa akong inaalala ang mga panaginip ko.
'Baka imagination ko lang siya? Imposible! Imagination eh panaginip nga diba?! hayst! Asan ka na ba kasi?!'
Sa sobrang pagiisip ay di ko na napansin ang oras at di ko na natuon ang atensiyon sa mga discussion.
Discuss
Discuss
Discuss
Dismissal
Kringgg! kriinggg! krrinngg!
Natinag ako nung marinig ko ang bell. Ang bell na naghuhudyat na dismissal na.
'Dismissal na pala? ang bilis'
Agad ko nalang inayos ang mga gamit ko't sumunod sa mga kasama ko papunta sa Locker Area.
"Teh! una na kami ni bakla andiyan na kasi ang mga sundo ng mga reyna vayy!" Maarte pang paalam nito't nagbeso saming lahat. Natawa pa ko ng umastang babatukan ni Sean ang dalawang bakla nung akmang makikibeso sa kanya ito, inirapan nalang siya ng mga bakla't maangas na tinapik ang balik ng kakambal ko.
"Bye!" paalam ni Bree na kumaway pa sa kanila.
"See you tomorrow!" paalam din ni Kate.
"Mag-ingat kayo, bakla!" sigaw ko pa na kumaway-kaway at nagsimulang maglakad papuntang Audi. Inakbayan ako ni Sean habang naglalakad. Magkaiba kasi ang daan papunta Audi at parking lot kaya hindi kami nagkakasabay nina bakla.
"Whatsout guys!" bati pa ni Kuya Kian nung makita kami. Nakipag-apir naman kaming apat sa kanila.
"Ano? Tara lets start!" Pasigaw pang ani ni Ate Sam, nagsitanguan naman kami at nagsipuntahn sa kanya-kanya naming station. Pero kami ni Sean ay nanood nalang sa kanila kasi di naman mahirap ang gagawin namin at pwede naming insayohin sa bahay. Naupo kami sa stage at pinanood silang walo na sumayaw.
"Debut mo na pala sa nalalapit nating birthday noh?" napatingin pa'ko kay Sean ng magsalita siya.
'Oo nga noh?'
2 Months nalang at syempre para samin malapit nayan HAHAHAHA. September 5 kasi yung birthday namin pareho. Malamang kambal nga diba.
"Dalaga kana, hindi halata HAHA-- a-aray! aray naman" reklamo niya pa nang batukan ko siya, hinimas-himas pa niya ng bahaya ang parte kung saan ko siya binatukan. Napanguso naman siyang tumingin sakin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Ayaw mo nun? Baby face ka parin?" pang-uuto niya pa.
YOU ARE READING
Bring back MEMORIES
RandomSilvery Huxley is a girl who always dream of a guy who she doesn't know. A girl that is bothered by the presence of the guy in her dreams. A girl that wants to figure out who the guy is. But, what will happen if she finds out who the guy really is...