Introduction

77 0 2
                                    

Ch.1

"Pinaniwala ko ang sarili ko sa isang hindi totoong bagay,

mas pinakinggan ko ang utak ko,

nakalimutan ko kung ano talaga ang sinisigaw ng puso ko,

kasi nasaktan ako..

Hindi lahat ng nasa isip ko tama,

minsan pala kailangan ding pakinggan ang puso.

Pero ayoko makinig sa puso ko kasi mali, bakit nga ba

kasi nasaktan ako? Pero tama bang gawing dahilan yun?

Kahit ilang beses ko pang sabihin na hindi siya, hindi siya.

Isa parin ang sinasabi ng puso ko na talikwas sa sinasabi ng utak ko,

na kahit anong sabihin ko, SIYA LANG TALAGA SIYA AT WALA NG IBA."

*sigh* yun na lamang ang nasabi ko matapos kong basahin ang notebook ko. Hindi ako ang nagsulat non kundi ang kaibigan kong si Marrol, may rule kami na parang kung ano yung hindi mo masabi sa sarili mo, yung hindi mo kayang paniwalaan isusulat ng bestfriend mo sa papel sabay ipapabasa sa'yo para matauhan ka. Parang ganon? Kung hindi nyo gets problema nyo na yon, tawag namin dito e "Speak for your bestfriends heart" basta kunwari si marrol ako tapos isusulat ko sa notebook yung mga katagang hindi niya masabi sa sarili niya sa puso niya, yung mga katagang ayaw niyang paniwalaan. Nung binasa ko yun dun ko na-realize na hindi pala dapat porket nasaktan ka na e, dapat iwasan mo na, dapat kalimutan mo na, hindi tama yun, tama ang sinabi nila lahat ng yan may dahilan at paano mo malalaman kung tinatalikuran mo. Paano mo malalaman kung iniiwasan mo, siguro oras na para harapin ko 'to. Kasi simula palang siya na may hawak ng puso ko.

"Best, anong ibig-sabihin netong sinulat mo?" tanong ko kay Marrol

"Maang-maangan ka pa Gabriella Mercado, alam kong alam mo ang tinutukoy ko dyan."

"Ewan ko sa'yo."

"Aba, mas ewan ko sa'yo. Bat ba kasi hindi mo pakinggan sinasabi ng puso mo, ha? Hindi porket nasaktan ka e ganyan na, bata pa tayo non. Nabigla lang siguro siya nung mga oras na yon."

Hindi kaya tama si Marrol? Hindi kaya pinaniniwala ko lang ang sarili ko? Anong magagawa ko, nasaktan ako e tapos tiningnan ko ulit yung papel,

"mas pinakinggan ko ang utak ko,

nakalimutan ko kung ano talaga ang sinisigaw ng puso ko"

sa dalawang sentence na yan, tumagos talaga sa puso ko. Totoo nga ba? Totoo ba? Na mali ako, na mali ang pinaniniwalaan ko kasi nasaktan ako. Now, is it time to listen to my heart? Should I? Should I, listen to my heart?

Should I listen to my heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon