Denise's POV
Kanina pa kami naghaharutan ni Kyle dito. Hindi ako sanay na tawagin siyang may "kuya", siya rin nagsabi na wag na daw kasi parang ang laki ng agwat namin sa isa't isa e halos 2 years lang naman. Kung hindi kaya kami mag-pinsan, pwede kaya kami? Kami na kaya ngayon? Ang gwapo niya, muka siyang anghel ang amo ng muka nya. Mas lalo akong nahuhulog sakanya, sasaluhin niya kaya ako if ever? Pwedeng hindi, pwedeng oo. Pero kahit alin man dyan sa dalawa iisa lang ang alam ko, HINDI KAMI PWEDE :|
"Oy ah, titig na titig ka naman sakin. Tinamaan ka ba sakin? Hahaha joke" ay, leche onga. Oo tinamaan ako sa'yo.......
"H-hindi ah, feeler ka."
"Uy, defensive."
"Tse."
*knock knock*
"Pasok" sabay naming sabi
"Oh, bro.. Barbs nandito ka lang pala." sabi ni kuya Marc
"Bakit ba?" tanong ni Kyle
"Nandyan si Ken sa labas."
"Sinong Ken tanong ko sakanilang dalawa."
"Ah, kaibigan namin. Tara labas ka pakilala ka namin" sabi ni Kyle
"Yoko, kayo nalang."
"Ge, balik ako ha?"
"Sige po!" sabi ko ang galang ko no?
Sino kaya yung Ken na yun, ang cute naman ng pangalan bagay kami Barbie & Ken :-) joke hahah, inaantok na ko. Ang tagal naman bumalik ni Kyle baka nag-eenjoy na yun sa labas. *tingin sa phone* "Wala man lang nakaalala." inaantok na talaga ako, zZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZ
Ilang saglit lang dumating na si Kyle, ilang oras niya ring pinagmasdan ang muka ni Denise, at biglang may ngiting bumuo sa kanyang labi. Noon pa man, ay may nararamdaman ng paghanga si Kyle sa dalaga ngunit may pumapagitna sa kanila yun ay ang salitang "PINSAN", magpinsan sila kaya hindi maaring magtapat siya sa dalaga. Hindi sila pwede. Pilit nya mang iwasan si Denise ay hindi niya magawa, may tila nagtutulak sakanya na lapitan ang dalaga parang kailangan niya itong protektahan. Kinumutan niya ito, at hinalikan sa noo at bumulong ng "Goodnight, princess." tsaka tuluyang umalis. "Sana infatuation lang 'to" bulong ni Kyle sa sarili. Kung pwede lang sana sila, kung pwede lang sana......
--
Monday,
November 18, 2012
Umagang-umaga pero wala sa sarili sila Denise at Marrol. Nagtataka na si Gabriella sa dalawa, simula pagdating nila sa school hanggang sa uwian ganun ang itsura ng dalawa, nakatingin sa malayo sabay ngingiti. Ano kaya nangyari? Gumamit kaya sila ng marijuana o ipinagbabawal na gamot? Bakit parang ang high nila? Isip-isip ni Gabriella. Wala man lang nagsasalita sakanila.
"Hoy, hello? May kasama ba ako?" hindi na napigilan ni Gabriella ang sarili
"A-e, um... hi?" sabi ni Den
"Hihihi, hello bes!" sabi naman ni Marrol
"Ano ba nangyayari sainyo? Kwento naman." nagtatampong sabi ni Gabriella
"Mauna ka na, den."
"Hindi, ikaw muna Marrol." namumula pang sabi ni Den
"Sige na nga, e kasi si Renz :")"
"Oh, anong meron?" sabay na sabi ni Gab at Den
At ayun nga nag-kwento na si Marrol at si Denise, halos mamatay na sa kilig yung dalawa. Masaya daw si Marrol sa ipinagtapat sakanya ni Renz, at si Denise naman ay masaya dahil nakasama niya ang kanyang pinsan na si Kyle. Samantalang, si Gabriella hindi alam ang sasabihin. Hindi niya pa kasi nakakasama si Jeff, ni makausap hindi nga niya magawa e.
Uwian na, ikinabigla namin ni Denise ng may lalaking sumundo kay Marrol ipinakilala niya iyon samin, yun daw si Renz. Ayos ah. Medyo may itsura naman, kumikinang pa ang mata ni Marrol. Halatang masaya siya kay Renz. Masaya siyang nagpaalam at ganun din kami ni Denise, nagpasundo kami sa mga driver namin.