Who is who?

36 0 0
                                    

Ch. 2

3years na rin ang nakalipas simula ng malaman ko ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, teka anong sabi ko? pag-ibig? :O scratch that okay? Ngayon ko palang nalaman ang kahulugan ng sinsabi nilang pag-ibig ng makilala ko si Jeff, sigurado ako ngayon palang. Hindi totoo ang sinasabi ni Marrol na si Bryan daw ang first love ko, isang malaking A-S-A! Hindi totoo yun kasi si Jeff, kay Jeff ako unang umiyak, kay Jeff ako unang kinilig, kay Jeff ako... kay Jeff nga ba? Sakanya nga ba ako umiibig?

"Gabriella, kanina pa kita hinahanap. Iniisip mo na naman si Bryan?"

"Leche naman bes, si Bryan na naman? Hindi ba pwedeng si Jeff muna?"

"Sige, yan ang sabi mo e. Jeff na kung jeff maniwala ka lang dyan sa utak mo may papala ka dyan." halata naman ang pagka-sarcastic ng sabi e.

"Ewan ko sa'yo, ako naman nakakaramdam e. At alam kong si JEFF ang nagmamay-ari ng puso ko." diniinan ko talaga yung Jeff.

"Sige, si Jeff na nga. Si Jeff na hindi mo pa nakakausap, si Jeff na kahit kailan hindi mo pa nakasama, si Jeff na--"

"Tama na nga bes, mag-aaway lang tayo nito e."

"Onga no, basta ako kay Bryan parin ako."

"E, ikaw ata may gusto e. Ge, kayo nalang. Wa pakels."

Ngayon ko lang naman nakilala si Jeff e, sakristan siya sa isang simbahan. Nung una ko siyang nakita nayabangan ako sakanya, akala mo kasi kung sino. Ang angas tingnan pero isang araw nagabago ata ang ihip ng hangin dahila ang dating ma-aangas gumwapo sa paningin ko. Dun, dun nagsimula ang lihim kong pagtingin at nung nagtagal e minahal ko na siya kahit na sabihin pa nilang ni hindi ko man lang siya nakausap, nahawakan o kung ano pa man. Pwede namang magmahal ng nasa malayo ah? Ng isang taong hindi mo pa nakakausap at hindi mo pa gaanong kilala, pwede nga ba? Pero nothings impossible ika nga nila, at nainiwala ako dun. Naniniwala akong si Jeff ang mahal ko. Ewan ko nga kay Marrol kung bakit mas gusto niya si Bryan e, si Bryan na pinaka-unang nag-reject sakin? First heartbreak, teka hindi yun totoo kasi crush lang naman wala akong pake kung ano pang sabihin ng Bryan na yun kasi crush ko lang siya at DATI pa yun. Ayoko na nga yun pag-usapan naiinis lang ako >___<

"Hoy, bes. Jeff or Bryan?"

"HOY GABRIELLA"

"HOY"

*sapak*

"Aray, sumusobra ka na MARROL SANTOS HA! ANO BA PROBLEMA MO?"

"Kanina pa kaya kita kinakausap sino ba iniisip mo ha?"

"Wala ka na dun."

"Anong wala, e para akong tanga dito! 1 or 2?"

"Syempre, 1!"

"Yiee, sabi na nga ba e si Bryan."

"Anong Bryan ang sabi ko 1 hindi BRYAN!!!!"

"E, sino ba si Mr. 1?"

"Si Bryan!!!!" ay leche oonga si Bryan -__- ano ba nangyayari sakin?

*flashback*

"Bry, crush ka daw neto oh."

"Sino?" kunot noong sabi ni Bryan

"Eto oh, si Gab." Matapos nun nag-walkout lang si Bryan.

*end of flashback*

Okay, hindi naman exactly rejection yung nangyari e pero grabe ha. Wala man lang siyang reaction, pero ano nga ba ang dapat i-react? Wala naman, teka bat yun na naman ba iniisip ko?  Bukod sa sayang sa oras, ang sakit pa sa ulo. Wala na akong pakialam don, WALA NA WALA NA.... wala na nga ba?

Should I listen to my heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon