Chapter 1

8.3K 209 16
                                    

When everything around is normal, people would often said it's boring. And that is reality. Ang kalakaran sa labas na hindi lingid kay Sister Jhe kahit nasa likod siya ng matatayog na bakod ng kombentong kanyang tinitirhan.

Isang buntong-hininga ang kanyang pinalaya habang tinatapos ang dasal. Tahimik ang buong umaga, taliwas sa maingay na mga araw na nagdaan na binubulabog sila ng sobrang ingay ng mga kapitbahay nila. Katatapos lamang ng mid-morning prayer nila at nagpaiwan siya saglit sa loob ng chapel na hiwalay sa gusali ng mother house.

Daughters of St. Theresa. This is a semi-contemplative congragation founded by a priest in Cebu. Charism ng kongregasyon ang pagtulong sa mga mahihirap, catechism at parochial ministry. May mga kombento at paaralan sila sa ibat-ibang probinsya ng bansa.

Isa ang Izubo province sa pinagtayuan ng Mother house para sa junior sisters. Dito nila igugugol ang kanilang pitong taon bago nila tatanggapin ang perpetual vows, ang pagkakaroon ng singsing na magpapatunay ng pagpapakasal nila kay Kristo at lubusang pagsuko ng kanilang kalayaan mula sa mundo.

Apat na baitang ang kailangan nilang pagdaanan upang maging ganap na madre. Aspirancy, Postulancy, Novitiate and Juniorate. Nalagpasan niya na ang tatlong baitang at nasa ikaapat na taon na siya ngayon sa pagiging junior. Matatag ang paniniwala niyang mararating niya ang dulo sa piniling bokasyon.

Umahon siya mula sa unang hanay ng mahabang upuan at dumapa sa harap ng Blessed Sacrament, bago lumabas ng chapel. Bitbit ang kanyang office book, ang libro na naglalaman ng mga dasal nila, hinaplos niya ang gusot sa suot na kulay puting abito na sumasayad ang laylayan sa nilalakaran niyang pasilyo.

HAYDEES STRIKES AGAIN...

Nahinto siya nang marinig ang anunsiyong iyon mula sa balita ng radyo na ang alingawngaw ay tumatawid galing sa malaking bahay sa kabila hanggang sa kombento nila.

Haydees...

Umurong siya patungo sa malaking haligi at sumandal doon. She met that demon a week ago. Hindi niya maiwasang panghinaan ng mga tuhod tuwing naaalala ang tagpong iyon.

That was a rainy night, lightning illuminates the entire skyline and thunderstorm puts everyone to a deep sleep. Pero kung ang iba ay tulog na tulog, siya naman ay nagising nang maalala niya ang seedlings ng Iris. Kung magtagal ang malakas na buhos ng ulan, lalambot nang husto ang lupa at baka hindi kakayaning kumapit ng mga mumunting ugat ng bulaklak.

Kaya nagpasya siyang lumabas ng kanyang silid. The freezing cold is creeping inside her skin like needles of ice. Her footsteps echoing on the stone walls embellished with black-green vines sneaking from the cracks. Hindi nila maipaayos ang bitak sa dingding dahil sa kakulangan ng budget. Mas inuuna kasi nilang tulungan ang nasa komunidad kapag may natatanggap silang donasyon.

Matapos niyang ipasok sa kamalig ang mga seedlings ay pinagpag niya ang tubig sa kanyang itim na belo at niyakap ang sarili. Nanginginig ang baba niya sa sobrang lamig kahit patong-patong ang sinuot niyang jacket. Mataas na lugar kasi ang Izubo kaya ang temperatura rito ay maihahambing sa Baguio.

"Sister Jhe?"

Alerto siyang napalingon sa lalaking sumulpot sa likod ng kamalig. Si Father Nolan Sopriano. Spiritual director ito ng isa sa mga catholic schools ng probinsya. Magbibigay ito sa kanila ng lecture sa darating nilang recollection at kasalukuyang nakatira sa guest house nila.

"Father, magandang gabi po. Ano po ang ginagawa ninyo rito sa ibaba?" tanong niya sa pari.

"Ikaw, bakit ka nandito?" Sa halip na sagutin ay binato rin siya nito ng tanong.

"Isinilong ko po ang mga seedlings ng Iris." Itinuro niya ang bagong sibol na mga bulaklak.

Tumango ito at hinagod siya ng matiim na tingin.

NS 07: BULLETS AND VEIL ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon