Chapter 25

2.8K 136 22
                                    

Umalis si Vhendice sa may pintuan ng study room at iniwan ang asawang kausap ang mga hipag niya. Noong isang araw ay si Safhire lang ang bumisita roon pero ngayon ay kasama na nito sina Jeneviv, Glen, Julie, Jenni May at Melanie.

Maingay ang mga itong nag-uusap tungkol sa binabalak na house warming party. Tuwing sinusubukan niyang lumapit ay parang mga inahing tigre ang mga ito na gusto siyang lapain. Ayaw ng mga itong malaman niya kung anong tinitingnan sa laptop. Panay pa ang hagikgikan at kulitan na parang mga bata.

"House warming nga, di ba? Ibig sabihin painitin ang bahay. Try mo iyan kay Vhens, tingnan natin kung hindi siya makakakita ng mga bituin sa tanghali."

Saglit siyang nahinto nang marinig ang sinabing iyon ni Jeneviv. He decided to stay there a bit longer. Umatras siya patungo sa may dingding. Parang alam na niya kung anong tinitingnan ng mga ito sa laptop.

"Sinubukan ko iyan kay Vladimir. Nagustuhan niya, promise." Glen followed up to confirmed.

Tawanan at tilian ang kasunod.

"Ito pa, masarap din ito. Rheeva is too good at doing this to me." This time, it's Jenni May that's talking.

"Hindi ko yata kaya ang mga iyan. Baka pwede kapag tulog si Vhens," nakikiliting humagikgik si Lenlen.

Ngumisi siya. Iyon pala ang housewarming na binabalak ng mga ito? Not bad. These ladies are genuinely genius.

"Vhens, she's awake." Tinig ni Ghaile mula sa suot niyang earpads na umagaw sa masayang tawanan ng kanyang mga hipag.

"That's good news. I'll be there shortly."

Binato niya ng sulyap ang biyenang babae na hawak sa kamay ang sinto-sintong binatilyong nasa edad kinse at kumakain ng mansanas. Galing sa labas ang dalawa at mukhang kinukulit na ni Jenna ang bagong alaga para makaligo.

He's fortunate to have found these people with big hearts. Dumadami na sila sa bahay na iyon at masaya sa pakiramdam. Balang araw kapag nakalaya ng kulungan si Jerson ay doon din uuwi ang lalaki. Magiging buo na ang pamilya.

Saglit pa siyang sumilip sa loob ng study room bago umalis. Nasa Sta. Rosa district hospital lamang naka-confined si Lezabel. She got hit during his last mission. Sinubukan nitong tumakas pero imbis na tulungan ng mga kasama nito sa grupo ay binaril ito. Tatlong tama ang tinamo nito. It's fortunate that the wounds are not fatal.

"I'm saving you up from getting caught up whatever porns you're watching right now, love." Tinawagan lamang niya sa cellphone ang asawa para magpaalam. "I will expect a phenomenon tonight."

"Nanunubok ka sa amin kanina, no?" Paratang nito.

"No, I just happen to pass by and overheard your merry and delicious conversation."

"Saan ka pupunta?"

"Sa hospital. Gising na si Lezabel."

"Okay, ingat."

"I love you."

Kinagat niya ang labi at binilisan ang takbo ng sasakyan. Nalipat na ng private room si Lezabel nang dumating siya. May dalawang police na nagbabantay sa labas ng silid nito at kaagad sumaludo ang mga ito sa kanya.

"Carry on," tinapik niya sa balikat ang dalawa.

Naka-elevate ang kama ni Lezabel. Gising na nga ito mula sa mahigit isang linggong pagtulog. Ilan sa mga tubong dating nakakabit dito ay tinanggal na maliban sa IV bag at oxygen. Nakatanaw sa labas ng bintana ang babae.

"Bakit mo ako niligtas?" tanong nitong nanatili ang paningin sa kawalan.

Hindi agad siya sumagot. Sinilip niya ang record na iniwan ng attending physician nito sa sidetable katabi ng flower vase at dalawang bote ng mineral water. May mga prutas din sa tray pero halatang hindi nagagalaw. Sinaliksik na nila ang background ng pamilya ng dalaga. She and her younger brother are both orphaned. She had skills in mechanics and good at dealing negotiations. Nakinabang dito ng husto ang Darksmith.

NS 07: BULLETS AND VEIL ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon