Chapter 5

2.9K 159 26
                                    

Maayos na ibinalik ni Sister Jhe sa bookshelves ang mga librong nasa cart. Pansamantala ay doon muna siya sa library in-assign ni Sister Agnes, ang principal ng eskwelahan. Kasama niya roon ang dalawa pang madre. Sina Sister Luke at Sister Martha.

Both sisters were having their perpetual vows last year. Parehas din ang dalawa na taga-Visayas. Si Sister Luke ay taga-Tacloban habang si Sister Martha ay taga-Bohol.

Nakapagtapos din naman siya sa kolehiyo. Ang kurso niya ay Bachelor of Science in Elementary Education. Naghihintay na lamang siya sa resulta ng board exam. Kapag pinalad at makapasa siya, pwede na siyang magturo sa susunod na pasukan.

"Sister Jhe, hinahanap ka ni Sister Agnes!" tawag ni Sister Luke sa kanya mula sa dulo ng kinaroroonan niyang shelf.

"Saglit na lang po." Binilisan niya ang pagsalansan ng mga natirang aklat sa cart pabalik sa bakanteng rack ng bookshelf.

Nasa library counter si Sister Agnes at naghihintay sa kanya. Mahigit singkwenta anyos na ang madre. Balingkinitan ito ay may suot na salamin sa mata at kahit hindi naman galit pero ang malalim na gatla sa noo ay hindi nabubura. Para bang naroon na talaga iyon mula nang ito'y isilang.

"Halika, Sister Jhe." Kinambatan siya nito.

"Bakit po, sister?"

May ibinigay na Manila envelope si Sister Agnes sa kanya.

"Inanyayahan tayo ni mayor sa meeting ngayon sa munisipyo, alas-dos ng hapon. Kasali rito ang kagawaran ng edukasyon. May programa kasi ang local government para sa out of school children and youth sa mga mountain barangays at humihingi sila ng assistance sa mga eskwelahan. Naisip kong ikaw ang ipapadala ko para maging representative ng St. Theresa Academy."

"Sige po." Sinipat niya ang oras sa kanyang relos. Pasado ala-una na. Kailangan na niyang maghanda para sa pupuntahang meeting.

"Nakapunta ka na ba ng munisipyo, Sister Jhe? Malapit lang doon ang simbahan ni Sta. Rosa de Lima," nakangiting pahayag ni Sister Luke.

"Pwede po ba akong sumaglit doon, sister, bago po ako umuwi mamaya?" Nagpaalam siya kay Sister Agnes. Naengganyo sa sinabi ni Sister Luke.

"Oo naman." Tumango si Sister Agnes. "May misa roon ng alas-singko, pwede kang dumalo."

"Salamat po, sister."

Nagmadali siyang bumalik ng kombento bitbit ang envelope na naglalaman ng iilang dokumento. Nagdala rin siya ng notebook at ballpen. Kinuha niya sa kanyang kwarto ang maliit na Bible at ang organizer kungsaan nakalista ang pangalan ng mga kaluluwang ipinagpapadasal ng mga kamag-anak sa kanila.

Nag-abang siya ng traysikel sa labas ng campus. Wala pang singko minutos ay may natanaw na siyang parating. Agad niyang pinara iyon at huminto naman sa kanyang tapat.

"Magandang hapon po, sister?" bati ng driver.

"Magandang hapon din po!" masigla niyang sagot at pumasok sa loob ng traysikel. "Sa munisipyo po tayo."

Tumango ang driver.

Naaaliw siya sa mga tanawin habang lulan ng traysikel. Lalo na nang mapadaan sila sa isang lambak na nagkalat ang mga bulaklak. Flower farm yata iyon. She saw some Iris in there and she sighed because of that man's memory before she left Izubo.

Mag-iisang linggo na at wala siyang balita kay Haydees. Wala rin siyang kontak kay Vhendice para sana magtanong kung kumusta na ang kaibigan nito. Mamaya pag-uwi niya, susubukan niyang tumawag kay Father Ben sa telepono. Tiyak may contact number ang pari kay Vhendice.

NAUPO si Vhendice sa tuktok ng hagdan sa ikalimang palapag ng lumang gusaling binalikan niya. Habang kinakapos ng hininga at hawak ang sugatang balikat. Tagaktak ang pawis niya sa pagod at sakit na nag-aapoy sa kanyang mga laman.

NS 07: BULLETS AND VEIL ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon