Unang Ambon

6 0 0
                                    

Ito yung unang araw na pinagtagpo ang ating mga landas.

"Maria! Andito na yung kape para sa table 6."

Naaalala ko pa yung lakas ng ulan ng araw na yun.

"Paalala sa mga balak bumyahe, wag kalimutan magdala ng payong." 

Balita kasi sa Facebook ang paparating na bagyo.

Naalala ko nun patapos na shift ko. 

"Pano kaya ako babyahe?" Sambit ko gamit ang mahinang boses habang pinagmamasdan ang labas ng coffee shop na pinapasukan ko part time.

"Here's your coffee Ma'am."

Habang pabalik sa kusina ay iniisip ko na mga bagay na dapat ko ayusin bilang paghahanda sa bagyo.

"Maria tapos na shift mo. Palit na kayo ni Ash." Sabi ni Mang Sonnny, ang may ari ng cafe.

"Sige po Sir."

Pagkatapos ko magligpit ay agad na akong lumabas upang habulin ang pinaka maagang byahe pauwi.

Habang naghihintay sa sakayan ng bus ay tumila ang ulan.

Pinagmamasdan ko ang kalangitan at pagpatak ng ulan sa aking harap.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

"Aray."

Saktong 1:43 ng hapon, pagdating ng bus ay nagtagpo ang ating landas.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TilaWhere stories live. Discover now