CHAPTER 12: LEO's Appearance

935 77 2
                                    

Nang magawi naman ang mata ko sa medyo likuran ay nakita ko ang bulto ng isang tao na pamilyar sakin. Kumunot naman ang noo ko dahil lumaki ang mga mata nito at halatang gulat.

(Leo POV
Natapos na ang laban at nagulat ako sa naging resulta. Hindi parin ako makapaniwala na siya parin ang nanalo sa laban kahit na pinagbawalan na siya na gamitin ang ability niya. Kahit sabihin na nating malakas nga ang bracelet niya ay hindi parin sapat para manalo siya laban sa dalawa na isang stone man at isang rubber man. Ang mga galaw niya sa pakikipaglaban ay para bang hindi isang first year. Napakalisi niyang gumalaw at ang bilis niya ring mag-isip ng dapat gawin.

Ang galing nya magplano, alam ko na lahat ng nangyari sa laban ay nakabase lahat sa plano niya.

Ito pa rin ako sa may likod ng ibang manonood na nagsisigawan at pumapalakpak sa kanya ngunit hindi man lang siya nagpakita ng anong emosyon sa mukha niya. Tumingin siya sa pwesto nina Lesther at nagulat ako ng napatingin ito sa dieksyon ko.

Kumunot ang noo niya sa akin dahil siguro nagtataka siya sa naging reaksyon ko. Sino ba namang hindi magugulat  at nakikita niya ako kahit na ginagamit ko pa ang kakayahan ko na ikubli ang sarili ko sa lahat ng tao rito. Kanina pa ako rito ngunit walang nakapansin sa akin, pero siya nakikita niya ako?

Anong klasing magician ba talaga siya?
Napansin ko ang paglapit sa kanya ng propesor niya kaya nawala ang atensyon niya sa akin.

Kailangan ko nang umalis rito. Nagteleport ako pabalik sa kwarto ko sa dorm.

Maraming sumasagi sa isip ko na kung ano-ano tungkol sa magician ayun. Sino ba talaga siya?)

Nawala ang atensyon ko kay Leo na nasa likuran dahil nilapitan ako ng propesor namin.

Sa tagal ng panahon, ngayon lamang may nakakuha ng legendary artifacts na yan, at higit sa lahat ay ngayon lamang ako nagkaroon ng estudyante na isang Royal Blooded. Nakangiting bungad sakin ng propesor namin.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Paano niya kaya nalaman na isa akong royal blood magician? Nagtataka ko namang tiningnan ang propesor namin.

Well, alam ko na nagtataka ka kung paano ko nalaman na isa kang royal blooded magician. Pagsisimula niya. Alam kong napansin mo kanina nang maagusan ng dugo mo ang bracelet ay nag-iba ang anyo nito. Dahil yun sa dugo mong bughaw, at isa pa hindi mo makukuha ang bracelet nayan kung hindi ka isang royal blooded. Mahabang pahayag ng propesor sa akin. Mabuti nalang at medyo malayo ang pwesto namin sa iba at medyo nag-iingay sila kaya hindi nila napapansin at naririnig ang pinag-uusapan namin.

Isa lamang po ako sa mga nalalayong kamag-anak sa palasyo. Kalamado kong sagot sa kanya at hindi nagpakita ng anumang kahinahinalang reaksyon sa kanya. Hanggat kaya kong magpalusot ay gagawin ko para hindi nila malaman na isa akong prinsipe ng Ashanya.

Nakita ko namang papalapit samin ang tatlo kong kaibigan kaya medyo natuwa ako sa kaloob-looban ko. Nagpaalam narin ang propesor namin nang mapansin sila.

Grabe ka Shun, ang galing mo talaga.  Sabi ni Seina.

Kuya, ang galing galing niyo po. si Lesther na ngiting ngiti.

Alma mo Shun? parang hindi ka talaga first year pag naglalaban. seryosong saad ni Dino, ngunit napalitan naman agad ng tuwa ang mukha niya. Ang galing mo, dalawang kalaban natalo mo ng sabay.

Ano ba kayo? Hindi niyo ba inisip na dahil yun dito sa bracelet nato oh. Sabi ko sa kanila sabay pakita ng bracelet.

Alam naming hindi lang yun dahil sa bracelet Shun, mag... hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Seina at naglakad na ako.

Tara na, tayo nalang nandito.

...。。。。

(Sa Loob ng Dorm)

Kasalukuyan akong nagbibihis dahil kakatapos ko lang maligo nang may kumatok sa pintuan ng dorm namin ni Lesther. Uutusan ko sana si Lesther na tingnan kung sino ang nasa labas ngunit paglingon ko sa kanya ay mahimbing itong natutulog.

Isinukbit ko nalang muna ang damit ko sa may balikat ko dahil kanina pa katok ng katok ang sinumang nasa labas. Binuksan ko ng konti ang pinto para sana silipin kung sino ang nasa labas ngunit napaatras ako ng bigla nitong itulak ang pinto sa medyo malakas na pwersa.

Lumaki ang mata ko ng makita ang tao na nasa harapan ko. Si Leo, ang itinakda. Bakas sa mukha nito ang napakaseryosong awra, maigi ako nitong tinitigan at nanlaki ang mata ko ng maalalang wala pala akong suot pan-itaas.

Dali-dali akong tumalikod at sinuot ko ang damit na nasa balikat ko, pero napaisip ako kung bakit bigla itong napahawak sa dibdib niya kanina bago akong tuluyang napatalikod sa kanya.

Sino ka ba talaga? Seryoso niyang tanong sa akin habang nakatalikod ako sa kanya

Anong ibig mong sabihin? sagot ko sa kanya bago ako humarap. Pagkaharap ko sa kanya, nagulat ako at nakaluhod na sya sa sahig.

Anong mahika ang ginagamit mo sa akin? Bakit parang hinihigop ang lakas ko pagmalapit ako sayo, at hindi gumagana ang mga kakayahan ko laban sayo. pilit niyang sabi kahit na parang nanghihina na siya. Patuloy parin ang paghawak niya sa dibdib niya.

Hindi ako gumagamit ng mahika laban sayo, at hidi ko din alam kung ano yang mga linagsasabi mo. Hindi ko natiis na tingnan lang siya sa kalagayan niya, kaya nilapitan ko siya para sana tulungan na tumayo.

Nabigla ako nang parang may kong anong pwersa ang humahatak sa kamay ko para hawakan ang dibdib niya. Nanlaki naman ang mata niya nang mapaharap siya sa akin.

Anong ginagawa mo? medyo gulat na sabi niya sa akin

Hindi ako ang may gustong hawakan ang dibdib mo, may kung anong pwersa ang nag-uutos dito para idikit ko ang kamay ko sa dibdib mo. medyo malakas na sabi ko sa kanya habang pilit pinipigilan ang kamay ko sa paglapat nito sa medyo maumbok niyang dibdib, para kasing iniisip niyang gusto ko siyang hipuan.

Eh bat parang galit ka? malakas niya ring sabi.

Di ako galit. sagot ko naman sa kanya sa malakas parin na boses.

Eh bakit ka sumisigaw? siya sa malakas parin na boses.

Eh bakit ka rin sumisigaw? pabalik kong tanong sa kanya.

Kuya Leo? Kuya Shun? Anong ginagawa niyong dalawa? nagulat kami sa biglang pagsalita ni Lesther kaya dali dali kong hinila ang kamay ko na nakadikit sa dibdib ni Leo, mabuti nalang at wala nang pwersang pumipigil dito.

Sorry mga kuya sa disturbo, sige pagpatuloy niyo nalang. Matutulog nalang po ako ulit. sabay kaming nagkatingin ni Leo at napalayo sa isa't isa.

Mali yang iniisip mo Lesther. malakas na sabi ni Leo sa kapatid, sabay tingin sakin ng masakit.

Tssk. Hindi pa tayo tapos mag-usap. huli nyang sinabi bago siya nawala, nagteleport.

Naiwan naman ako na may pagtataka sa mukha. Ano yun, baliw lang.

Tiningnan ko si Lesther, nakangiti ito sa akin. Parang may kailangan talaga akong ipaliwanag sa kanya.

(A/N: Sorry sa napakatagal na update mga readers, busy talaga.. Dami kasing inaasikaso.. sana magustuhan niyo to kahit na minadali ko lang yung pagsusulat. Thank you sa mga naghintay ng next update..)

The Unknown Prince (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon