The feeling is Mutual. (ONE SHOT)

80 3 0
                                    

A/N: May pagka true to life po ito. Dinagdagan ko na lang. Sana po magustuhan niyo po.

Nasa corridor ako dito sa may 4th floor ng building namin. Dun kasi yung classroom ko e. Nga pala, ako si Gail Castro. 18 years old. 2nd year college. HAHA. 

Nilagay ko yung bag ko sa floor at sumandal sa may wall, ng biglang

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Heidi ba't ka umiiyak? Anong nangyare?" Ako

"Ano ba Gail!" Heidi.

Tapos naglakad na siya ng mabilis paalis. Problema nun? Di bale sanay na rin naman ako. 

Sumenyas sakin si Riz ng WAIT. Tumango na lang ako.

Sila nga pala yung mga bestfriends ko since elementary. Magpinsan yung dalawang yan. Sobrang love ko yang dalwang yan. Partners in Crimes ika nga.

Nagpalipas ako ng ilang minuto at pinuntahan ko sila sa classroom nila. 

Kinausap ako ni Riz. Di ko pa kasi makausap si Heidi kasi medyo wala pa siya sa sarili.

"Anong nangyare dun?" Ako

"Aalis na kasi siya Gail." Riz

"Ha? Sino?" Ako

"Si Justin. Aalis na siya. Magm'migrate na sila ng family niya sa US. Diba nga American yung papa niya? Kaya yun aalis na daw sila mamaya. Di na sila pumapasok nung kakambal niya nung Monday pa kasi inaasikaso na daw nila yung mga dapat ayusin." Riz

"Justin? Yung kakambal ni Joshua? Yung kaklase namin ni Heidi dati?" Ako

"Oo. Alam mo naman kung gaano kamahal ni Heidi yun diba. Since, elementary tayo, si Justin lang lagi yung bukambibig niya. Kaya ayan nasasaktan siya ngayon. At ang masaklap pa, hindi nalaman ni Justin na mahal na mahal siya ni Heidi." Riz

"Sige ako na bahalang kumausap kay Heidi." Ako

Tumango na lang si Riz. 

Pumasok na ko sa classroom nila at nakita ko dun si Heidi nakatingin sa malayao. Eh, sa ang ganda ng view e. Ikaw ba naman yung classroom mo sa 4th floor. HAHA. Anyways yun nilapitan ko siya.

"Heidi." Ako

Humarap siya saakin at niyakap niya ako. Doon na siya tuluyang umiyak.

"Gail, ang sakit. Ang sakit sakit pala. Lalo na ngayon na hindi ko na siya makikita. Malalayo na siya sakin. Dati kuntento na ko kapag nakikita ko siyang masaya. Kahit hindi ako yung dahilan kung bakit siya masaya, ok na rin. Kasi makita ko lang yung ngiti niya, ok na ko. Pero ngayon Gail, hindi ko na siya makikita. Hindi ko na makikita yung mga ngiti niya." Heidi

"Shh. Sige, Heidi ibuhos mo lang lahat." Ako

"Ang tanga tanga ko, Gail. Hinayaan kong mahulog yung sarili ko kahit alam ko namang walang sasalo. Tapos ngayon, eto ako umiiyak. Nasasaktan. Umaasa sa wala." Heidi

"Heidi, wag mong sabihin yan. Hindi ka tanga. Nagmamahal ka lang." Ako

"Gail, pwede mag'wish?" Heidi

"Osige. Ano yun?" Ako

"Pwede mo ba kong samahan sa airport? Kahit ngayon man lang, makita ko siya ulit." Heidi

"Sige. Sige. Buti na lang dala ko yung kotse ko. Tara na dali. Baka di na natin siya maabutan." Ako

Pinunasan na niya yung mukha niya sabay hablot sa bag niya at bumaba na kami. Walang elevator or escalator dito sa school kaya 6 stairs yung dadaanan namin bago makababa. Kasi nga, nasa 4th floor kami. 

Pero parang wala lang kay Heidi. Sobrang sabik na siguro siya. 

Nakarating din kami sa baba. Sumakay na kami sa kotse. Kasama din pala namin si Riz.

Nag'drive na ko. At buti na lang, hindi traffic ngayon. 

Nakadating din kami sa airport. At buti na lang pinapasok kami nung guard. 

Matagal na hanapan.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

At.......

"JUSTIN!!!!!!" Heidi

Napatingin kaming lahat kay Heidi. Ako, Riz, Justin, Joshua and yung parents ng kambal.

Nilapitan ni Heidi si Justin.

"Oh! Heidi. Bakit nandito ka? May relative ka din bang aalis?" Justin

"Uhm, wala naman. Di pa kasi ako nakakapag personal goodbye sa'yo. Alam ko, hindi big deal sa'yo 'tong pagpapaalam ko sa'yo. Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na, mamimiss kita. Mamimiss ko lahat. Ikaw, yung ugali mo, yung kakulitan mo. Lahat lahat. Wala na tuloy akong, itu'tutor sa Math. Pero Justin, mamimiss kita. Sobra. Sana maging masaya ka sa bagong buhay mo sa US. Andito lang ako pag kailangan mo ng kaibigan ha? Babalik ka pa naman diba?" Heidi

"Oo, Heidi. Babalik ako. At promise ko sa'yo pipilitin kong maging masaya. You will always be my FRIEND."  Justin

At hi'nug niya si Heidi.

"Sige Justin. Baka ma'late pa kayo sa flight niyo. Bye. Mami'miss kita" Heidi.

Humiwalay si Justin sa pagkakayakap niya kay Heidi. Nag'wave siya at tuluyan na siyang sumakay ng eroplano. 

HEIDI'S POV

Nakasakay na sa eroplano si Justin. Wala na. Umalis na siya. Umalis na ang lalaking pinaka'mamahal ko.

At ang pinaka'masakit sa lahat?

Kahit sa huling pagkakataon, hindi ko man lang nasabi sakanya ang tunay na nararamdaman ko.

Na'iyak na lang ako.

JUSTIN'S POV

Nakasakay na ako sa eroplano. 

Ang saya ko ngayon dahil kahit sa huling pagkakataon, nakita ko siya. Si Heidi. Ang babaeng mahal na mahal ko.

Pero ang tanga ko.

Hindi ko man lang nasabi sakanya ang tunay kong nararamdaman.

HEIDI'S POV 

Ito na lang nasabi ko sa sarili ko:

Kung kami talaga ang para sa isa't isa tadhana na ang gagawa ng paraan para magkita kaming muli.

JUSTIN'S POV

Babalik ako Heidi.

Babalik ako

.

.

.

.

.

.

.

Para sa'yo.

A/N: Sorry po kung hindi niyo po masyadong nagustuhan. First time ko po kasi. Mag'vote po sana kayo. And leave your comments. Thanks! =))

The feeling is Mutual. (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon