Chapter 1

21 2 0
                                    

Gone

"Ate, si mommy.." dinig ko ang pagpigil hagulhol ng kapatid ko sa kabilang linya

"Riley, anong nangyari?! Sagutin mo muna ako! Nasan si mommy? Teka, nasan ka ba? Pupuntahan na kita, hintayin mo'ko" sunod sunod kong sabi.

"Ate, nandito ako sa school, tinawagan ni daddy yung teacher ko, pinapapunta daw tayo sa hospital. Ate si mommy" humahagulhol na talagang sabi ni Riley.

"Hintayin mo'ko sa gate ng school nyo. I'm on my way." Utas ko sabay baba ng tawag.

Agad akong nagpaalam sa teacher ko na may emergency ako.

"But Sphrina, you have an exam today. Sa Math pa, malaki ang magiging epekto nito sa grades mo. Running for Valedictorian ka panaman, ayaw mo naman sigurong matanggal sa list of honor students, diba?" Pigil sa'kin ng Math teacher ko na siyang nasa classroom namin ngayon.

"Ma'am please, my mom is in a critical condition. I can't just stay here and do nothing. Please, ma'am." Saad ko at nagsimula ng mag unahan ang mga luha ko sa pagdaloy.

"But-"

"Go, Sphrina. I'll take care of her." Putol ng adviser ko sa istrikta kong subject teacher.

"Maraming salamat, ma'am" at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Go... your mom needs you." Agad akong tumakbo patungong parking lot matapos nyang sambitin ang mga salitang iyon.

Walang tigil sa pag agos ang aking mga luha habang nagmamaneho patungong St. Bernard Academy kung saan nag aaral ang nakababata kong kapatid. Pinagbuksan ko sya ng pintuan at nagtungo na kami sa hospital.

"Dad, nasan si mommy?" Agad na tanong ko nang matanaw si daddy sa pasilyo ng hospital.

"Mga anak, puntahan nyo ang mommy nyo. She wants to talk to the both of you." nang walang pag aalinlangan ay pumasok agad kami ng kapatid ko sa isang room na tinuro ni daddy.

"Mom!" Takbo ko papunta kay mommy na nakahilata sa hospital bed sabay hagulhol.

"Mommy naman, anong nangyari? Diba sabi ko wag kang magpapapagod para di ka na atakehin? Mommy, malapit na'kong grumaduate oh. Mom...mom, please." sunod sunod na sambit ko.

"Anak, take good care of your dad...and your brother, okay? I taught you everything you need to know naman, diba? I love you, my dear Sea...I'm so proud of you." halos pabulong na lamang na sambit ni mommy. Pinipigilan kong humagulhol ng malakas dahil alam kong hindi iyon makakatulog.

"Riley, my son... come here, baby" baling ni mommy sa kapatid ko. Agad namang lumapit si Riley sa ina naming halos hindi na makagalaw.

"Mom... you're not leaving us, right?" Umiiyak na sambit ni Riley.

"Son, be a good boy, okay? I need you to protect your sister like a big boy, okay? Can you do that for me, baby?" Naluluha na ring saad ng aking ina.

Hindi ko na mapigilan ang sarili kaya sinugod ko ng mahigpit na yakap ang aking ina at humagulhol na sa kanyang mga bisig.

"Yes mom, i'll protect ate Sea po. I'm a big boy na, so I won't cry na po, mommy" si Riley.

"I love you both" nanghihinang sambit ng aking ina. Bumukas ang pinto at oumasok ang aking ama na pulang pula na din ang mata sa kakaiyak.

"I love you so much, Hon. You've been a good wife.. The best mother to our children. I love you so much" humihikbing saad ng aking ama habang hinahawakan ang kamay ng aking ina.

"I love you more, Hon. Thank you for making me live a life full of happiness. Please continue being a good father to our children. Love them more. I'm tired, Hon. What should I do?" Kasabay ng pagsabi ni mommy ng mga salitang iyon ang pag agos ng kanyang mga luha.

Her Last WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon