Chapter 3

10 0 0
                                    

Party

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa katok ni daddy.

"Anak, nandito si Sharaiah. Aalis daw kayo?" si Daddy.

"Opo dad! Bababa na po, saglit lang." sigaw ko habang dali daling pumasok sa banyo.

Matapos kong maligo ay agad aking bumaba upang salubungin sina Sharaiah.

"Buti naman at bumaba ka pa." irap ni Sharaiah.

"Sorry naman, I overslept kasi eh." Pagpapaliwanag ko.

Matapos ang halos tatlumpong minutong pagmamaneho ay nakarating na kami sa pinakamalapit na mall.

"Buti ka pa Sea, pinapayagan kang mag drive ni tito Russ. Samantalang ako, hihintayin pang makakuha ng driver's license para daw mas safe." Reklamo ni Analyse.

Kaming tatlo lang ang magkasama ngayon. Graduation nina Krystoff at Kian kaya hindi nakasama si Charter. Pinag attend kasi siya ni Kian, kapatid niya. Ewan ko ba dito kay Sharaiah kung bakit hindi siya dumalo sa graduation ng kapatid niyang si Krystoff.

"May student's permit naman kasi ako kaya payag si daddy. 'saka ako ang sumusundo kay Riley kung wala ang driver niya, kaya gano'n." Pagpapaliwanag ko.

Pumunta kami sa isang kilalang botique saka pumili ng susuotin naming gown.

Sharaiah chose a lavander long elegant gown. It looks great in her dahil naeemphasize ang pagkafair ng skin niya.

Buti pa siya, may napili na.

May damit na si Analyse kaya naman ay hindi na siya nag abalang tumingin sa mga naka display na gowns.

Pagkalipas ng ilang minutong pag iikot sa botique, ay nakakita din ako ng gown na sa tingin ko ay babagay sa akin. It was a cream fitted long gown that touches the floor. It has see-through fitted long sleeves with diamonds as designs at the end of the sleeves and in the chest part. Open ang back ng gown na ito.

My cousins looked at me in awe as I step out from the fitting room.

"You really are the prettiest Bueno!" puri ni Sharaiah. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "I wonder why hindi ka pa nagkakaboyfriend" patuloy niya.

"Hindi naman kasi ako nagmamadali, Sha." tugon ko

"Oo nga pala, hindi ka tulad niyang si Analyse na halos buwan buwan nagpapalit mg boyfriend!"

"Hoy grabe ka sa'kin ah! Hindi naman buwan buwan. Uhm, every three months, maybe?" Analyse hissed. "Pero seryoso, naiinggit ako sa katawan mo, Sea. Hindi malaki ang boobs mo kaya hindi masyadong nakakaagaw ng atensyon." Hindi ko alam kung papuri ba o pang iinsulto ang nais iparating ni Analyse sa sinabi niyang iyon kaya pinanliitan ko siya ng mata.

"That was a compliment, cousin" panlilinaw niya nang mapansin ang panliliit ng mata ko. Napailing nalang ako sa kanya.

Pumili din kami ng mga mask na babagay sa mga damit namin.

Sha picked a mask na may lavander feather while I picked a cream-colored mask with diamonds design that covers half of my face.

After namin sa botique ay dumeretso na kami sa paborito naming spa.

"Oy mga darling, magpapaspa?" Bungan sa amin ng isang bakla na siyang palaging nag aasikaso sa amin.

"Yes momsh! We have an event tomorrow kasi" malanding bati ni Analyse pabalik.

"O sya sige, umupo kayo doon at tatawagin ko na ang mag aasikaso sainyo" saka siya umalis at tinawag ang tatlong bakla.

"Taray girls, ah. Pinagtitinginan kayo nung mga lalaking nag aantay sa mga girlfriend nila" yung bakla na umasikaso kay Sharaiah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Last WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon