alumis

50 4 0
                                    


"Janiyah! Masyado kang malayo sa tabi ni Sassa, move a little bit to the right!"


"Ok, from the top!" sigaw nung instructor namin.


Punyeta.


Napayuko nalang ako dahil kailangan namin ulit-ulitin yung choreo dahil sa'kin. Malay ko ba kung paano 'yang lock it down variation na 'yan. Why do I have to be in front tho? Nahihirapan na 'ko, sa harap pa ako na-assign.


Inulit namin ng isang buo, at pinagpahinga na kami.


"Pack it up, everyone. Practice is done. Maaga ang tapos natin ngayon dahil may meeting pa pala kami ng mga directors. Don't forget to practice the important details. Especially you, Janiyah." paalala nung instructor sabay walk-out.


May pa-special mention pa. Alam ko namang di pa ako hubog sa pagsasayaw, pinapamukha pa.


Palabas na ako ng practice room nang tumunong ang phone ko.


"Hoy Nini! Sama ka mamaya! Desisyon ako! Birthday party ni Jia, invited daw tayo. Maraming artista doon gagu, sureness ako! G ka ba?" Tanong sa'kin ni Plaice, kaibigan ko since pre-school.


"Ayoko pagod ako, madami pa 'kong aayusin. Kelan ka pa naging desisyon ha?" biro ko.


Hindi pwede. Wah! Jiana Krystelle is now a celebrity, pero ako back-up dancer palang. Ayokong humarap sa kaniya nang wala pang napapatunayan.


"Arte mo! Kasama nga sila Mesh eh, magtatampo sa'yo yon sige ka!"


"Gusto ko man pero I have to rest, burat, 'di mo alam kung anong impyerno pinasukan ko at pinagiinitan ako ni satanas kanina." palusot ko.


"Gaga ka talaga. Ano? Di ka talaga sasama? Magtatampo ako sa'yo hmp, bahala ka. FO na tangina mo ba? Sabihin mo lang."


"Babawi nalang ako next time, sige na nandito na yung jeep. Bye, enjoy!" Sabi ko sabay baba nung tawag. Maiintindihan naman na niya siguro 'yon, alam niya pinagdaanan ko duh.


Kailangan ko na talaga ng sariling sasakyan para di hassle papunta't pabalik ng practice. Doble pagod, napakahirap pa makipagsisikan. Sumakay na ako sa jeep at sumandal. Gabi na pero damang-dama ko padin yung init ng simoy ng hangin. Kitang-kita sa mukha ng mga pasahero ang pagod. Sabagay iba-iba pinagdadaanan ng tao. Lahat may sariling problema at paraan ng pag-solusyon dito.


Di ko napansin naidlip pala ako sa byahe. Buti pagmulat ko kanto palang ang lagpas. Nyeta, muntik na yon ah.


"Para po!" sigaw ko sabay baba para makapaglakad na papunta sa condo ko.


Kinuha ko yung susi sa bag ko at binuksan na yung pinto ng unit ko. Pagpasok ko, nagpalit na ko ng damit at nagsipilyo na. Dami kong stress ngayong araw kaya nag-skincare na rin ako. Wala ng masayadong steps yung skincare routine ko, para naman nakakahinga pa mga pores ko sa mukha. Yung iba kasi andami pang steps na ginagawa. Well, choice nila yon. Nakakatamad kasi pag madami, kaya ako facial wash at toner lang pwede na. Minsan di pa araw-araw depota kaya small acne go brr brr.

Quarantine Shot (On-going palang huehuez)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon