006.

52 6 0
                                        

A R I A . S .

"WAKE UP NA BABY A!"

Argh.

Dumapa ako sa kama ko at nagtakip ng ulo gamit ang unan. Ilang beses akong napamura nang mahina habang ilang beses din na kumakatok sa pinto ko ang isang bruhang ayaw na ayaw kong makita.

Tumigil ang katok sa pinto kaya I immediately grabbed my towel and went straight to the bathroom.

Pagkatapos kong maghanda para sa pagpasok ko (which is ginawa ko sa banyo), lumabas ako at napairap nalang nang kusa nang makita ko kung sino ang bwisit na nakahiga sa kama ko.

Hulaan niyo...

"Ang tagal mo naman, baby A. Muntik ko na tuloy kainin 'yung long mallows mo na may chocolate fillings dito sa ref mo."

Muntik, ha? May ebidensya ka pa nga sa ngipin mo.

Kinuha ko ang bag ko at pinaghahampas siya nang ilang beses. Napaaray naman siya, pero, ang over niya. Ang hina lang naman ng hampas ko, 'e.

"Get up, we're going to school na."

"Ha?! Pero 7:25 palang! 8:15 pa usual start ng klase!"

"Babangon ka o papalayasin kita rito sa bahay?"

Nag-puppy eyes siya sa akin habang naka-pout. Buti nalang pala hindi muna ako kumain. Baka magkalat ako dito sa kwarto ko kapag nagkataon.

Inirapan ko nalang siya at lumabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa study room at kinuha ang prinint ko kagabi na naiwan ko. Tinignan ko ito ng maigi.

Pigilan sana ako ng mga anghel, baka mapunit ko ito nang wala sa oras.

At nadinig nga ako, kaso hindi anghel ang pumigil sa akin, isang demonyo.

Joke.

"Ano 'yan?"

"Sched ng transfer student."

"Ah, actually nakita ko 'yan kagabi. Familiar 'yung name niya, ah?"

I know right, bro.

Sabay kaming lumabas ng study room. Pagka-dating ko ng living room, ibinaba ko ang mga gamit ko sa lamesa at tumungo sa kusina.

Umupo ako at kumuha ng makakain. Sabay kaming kumakain ni kuya, nang biglang,

"KYAAAAHH!!! ARIAAAA!!!"

Takip ng tenga, automatically*

"Ano ba? Nakaka-bilaok ka naman," sabi ni kuya pagkatapos uminom ng tubig.

"Hulog ka ng langit, baby A!" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Napakunot tuloy ako ng noo pero, nabaling ang atensyon ko sa nailapag niya sa lamesa.

"Bakit ka nangengealam ng gamit?" tinulak ko siya nang dahan dahan at tinignan kung may lukot ba or punit ang schedule.

Malalagot ako kay Ms. Lee nito kung nagkataon.

The Dyad's Dance ' ep.1 || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon