Hatid

43 6 2
                                    

"Baby!! Happy Anniversary, pasyal tayo?" excited kong tanong kay Josh, ang boyfriend ko, at sa araw na ito ay ang 1 taon na naming pagsasama.

"Sorry, busy ako." sagot niya sa kabilang telepono.

Napawi ang ngiti sa aking labi at dahan dahang bumagsak ang mga luha sa aking mata. Alam ko naman na ito ang isasagot niya, hinanda ko naman na ang sarili kanina pero hindi ko parin maiwasang lumuha.

Isang taon na. Isang taon na kaming nagsasama pero alam kong parang napipilitan lang siya. Alam ko kasi na iba parin ang mahal niya, at iyon ay ang dati niya.

Hindi naman talaga siya sa akin nagsimula, kung tutuusin ako lang yung sumalo sa kaniya nung isinuka siya. Noong una, masaya naman kami eh kaso napansin kong ako lang pala yung nagdadala sa relasyon namin.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at pinilit inayos ang aking sarili.

"Ahh Hahha, sige okay lang, pero bukas sana puwede ka na, pangako huling pagyayaya ko na iyon sayo, sayang naman oh, 1 taon narin tayo." Oo, isang taon ko nang niloloko ang sarili ko.

"Shainne --" agad ko namang pinutol ang kaniyang sasabihin dahil alam kong tatanggi lang siya uli.

"Magkita tayo sa parke, kung saan tayo unang nagkita. Bukas ng ala-siyete, aasahan kita." sabi ko at pinutol na ang tawag.

Alam kong nagtataka na siya pero alam ko rin na pupunta siya. Mabait kasi si Josh, kaya nga hindi niya kayang makipaghiwalay sa akin, kahit alam naman sa sarili niya na iba ang hinihintay niyang bumalik.

Siguro sapat narin ang 1 taon na pagsasama namin para patunayan sa sarili ko na hindi lang talaga kami puwede. Ito narin siguro ang tamang oras para ipagpatuloy ang plano na matagal na sa aking isip.

Ilang sandali pa ay kinuha ko ang aking cellphone para tawagan siya. Siya na alam kong magpapasaya sa kaniya.

***

Nandito na ako sa parke habang hinihintay siya. Hindi rin ako nakatulog kagabi kakaisip kung itutuloy ko pa ba pero sino ba naman ako para ikulong pa siya sa mundo na hindi naman siya sasaya.

Kumaway ako nang nakita ko na siya.

"Josh!" sigaw ko sabay lapit sa kaniya.

Agad ko namang ipinulupot ang aking kamay sa kaniyang braso. Tumingin ako sa kaniyang mga mata at ngumiti ng malungkot nang nakita ko na hindi siya masaya sa ginagawa ko.

Isang oras lang Josh, at makakalaya ka na.

Nakitaan ko ng pagtataka ang kaniyang mukha kaya naman lumayo ako nang bahagya at tumawa.

"Josh tanda mo ba noong una tayong nagkita dito." sabay turo ko sa fountain kung saan may mga bangko sa paligid nito.

At habang inaalala ay sinimulan ko nang balikan ang aming unang pagtatagpo.

***

Ano ba naman iyan, ang dami dami ko na ngang dala, nabutas pa yung isang paper bag. Bakit ba naman kasi hindi dinoblehan nung nagtitinda eh alam naman niyang karne itong binili ko.

Natanaw ko ang fountain na pinapalibutan ng upuan kaya naman pansamantala akong umupo. Habang inaayos ang aking sarili ay nakita ko ang isang lalaki na nasa tabi ko at wala sa sariling umiiyak.

Hindi ko alam sa sarili kung bakit parang gusto ko itong damayan.

"Kuya okay ka lang? Kailangan mo ba ng panyo?" tanong ko kahit alam ko namang hindi siya okay.

At kahit alam ko na wala rin naman akong panyo na ipapaheram kung sakaling wala nga siya.

Naghintay ako ng ilang saglit at hindi parin siya umiimik. Tumingin naman ako sa paligid at halos pasalamatan ko ang buong mundo dahil kokonti lang ang tao ngayon dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HATID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon