Shane's P.O.V
'Bata bata ! Bakit ka umiiyak ? ' nakita ko siyang umupo sa tabi ko.
' si papa kasi eh. HuHu ! *snif* inaaway na naman si mama ! ' sabi ko habang pinupunasan ang luha ko
' Ay ! Wag kana iyak please. Gusto mo play nalang tayo para happy ka ? ' sabi niya habang ino - offer sa'kin ung teddy bear na hawak niya.
' eh . Hindi naman tayo friends eh ! ' naka pout kong sabi.
' Ganun ? Wag na nga lang ' patayo na sana siya pero pinigilan ko naman..
' wait !! Can we friends ? ' nakangiti kong sabi.
' Friends na tayo !!! ' sabi niya habang nagtatatalon . Winawagayway niya pa ung teddy bear niya.
' oo. Friends na tayo . Yehey ! Yehey ! May playmate na ko. Pwede ka bang pumunta sa bahay ko ? Laro tayo. ' nakangiti kong sabi.
' pwede pero papaalam muna ako kay yayay ! ' sabi niya habang tumatango tango pa.
Siya ang naging kauna - unahan kong kaibigan .. Ang Lagi kong kasama kapag wala ang parents ko .. Ang nagbibigay sa'kin ng gifts kapag pasko . Ang tanging nagpapasaya sa akin kapag malungkot ako. Pero ... Siya rin pala ang sisira sa pamilya ko ! Sana pala hindi ko nalang siya nakilala !!
'Bakit hindi mo ipakilala sa'min ang anak mo sa labas ? Ang naging bunga ng kawalang hiyaan mo !! ' galit na galit si mama. Tinuturo turo niya si papa habang umiiyak siya.
' wag mo kong umpisahan laura !! Alam mo kung ano ang kaya kong gawin sayo ! ' tinititigan ni papa ng masama si mama
' Anong gagawin mo ? Sasaktan mo na naman ako ? Sawang sawa na ako diyan. Hinahayaan lang kita dahil mahal kita ! Pero eto ? Ito pa ang isusukli mo sa'min ? Napaka - hayop mo !! Hindi ko na mapapalampas ito !! ' umakyat na si mama at pumasok sa kwarto .
andito lang ako sa dulo ng hagdan. Kitang kita ko si mama na umiiyak pero si papa ... Parang walang pakealam !
*Dingdong ! *Dingdong !
pumunta si papa sa gate para siguro buksan ito . Pagpasok niya sa loob , nakita ko na may kasama siyang bata.
' andrea ? .. Andrea !! Andrea !! ' sinisigaw ko ang pangalan niya habang pababa ng hagdan.
' anong ginagawa mo dito ? ' tanong ko sa kanya.
' Shane. Listen to me .. Alam kong hindi mo pa ngayon ito maiintindihan pero ipapaliwanag ko parin sayo .. ' pinaupo kami ni daddy sa sofa
' si andrea .. Kapatid mo siya . Can you treat her as a sister ? ' tanong ni daddy sa'kin
' What ? No daddy . Ayokong magkaroon ng kahati sayo ! Hindi ko siya kapatid .. Kaibigan ko lang siya !! ' umiiyak na ako ngayon . Humarap naman ako kay andrea .
' ayoko na sayo !! Di na kita friend ! I hate you. Huhuhu T__T ' tumakbo na ako sa kwarto at ibinagsak ang katawan ko sa kama.
Kinabukasan .....
' Anak ! Toktok. Anak! ' tawag ni mommy sa'kin sa labas.
pinagbuksan ko naman siya at nakita kong my dala na siyang bag.
' ma ! Saan ka po pupunta ? Iiwan mo po ba ako ? Ayoko po. Sasama po ako ' niyakap ko si mama .
' anak. Hindi kita iiwan. Halika. Pumasok muna tayo sa kwarto mo at aayusin ko na amg mga damit mo. ' sabi ni mama habang inilalagay ung maleta sa ibabaw ng kama.
' Pero.. Saan po ba tayo pupunta ? ' lumapit ako kay mommy habang tinitignan kung anong ginagawa niya.
' iiwan na natin ang daddy mo. Manloloko siya ! Kelangan natin munang magpakalayo - layo ! Tayong dalawa lang. Mahal mo naman si mama diba ? ' sabi ni mommy habang niyayakap ako ng mahigpit.
' opo. ' sagot ko
Pagkatapos ng pangyayaring iyon. Hindi ko na nakita si daddy . Ang balita ko , ung babae na niya ang kinakasama niya ngayon. Haay ! Nakakaurat na buhay. Yang andrea na yan talaga ang panira sa buhay ko . Kung hindi lang siya nagpakita sa'min .. Edi sana buo pa ang pamilya namin ngayon !
Kinuha niya ang mahalaga sa akin ? Kukunin ko din ang taong pinakamahalaga sa buhay niya.
A.N :
Tagal ng update ko no ? HaHa ! Asan na ung every 2 days ako mag a - update ? Nganga ! Bwahahaa :DNeways. Kamusta new year ? Dami food noh ? For sure ung iba diyan .. Sinumpong ng LBM x'D
thank you sa mga nakaka - appreciate ng story ko :) Wag kayo magalala ! Mahal ko kayo :*
Shane Buenevista at multimedia
Comment. Votes. Be a Fan .
-LovesRain <3
BINABASA MO ANG
Memories
عاطفيةPaano mo makakalimutan ang isang tao kung laging may nagpapaalala sayo nito . Magagawa mo pa bang sabihin sa kanya na mahal mo pa sya kung ang akala mo'y may mahal ba syang iba. P.S : This is my First story . Gagawa talaga ako ng effort para lang ma...