KABANATA 4

3.9K 320 63
                                    

HINAGISAN ko ng piccolo ang opisina ni Dean. Oo, wala akong hiya at ang lakas talaga ng fighting spirit ko. Nang pumutok ito sa loob, dinig ko ang gulantang sigaw ni tropang Dean Aguerro kaya agad akong pumasok.

"Dean, pare!" I greeted him.

"Miss Falkin?!" Hindi makapaniwalang sabi niya na ngayon nakadapa, nagkalat din ang mga papeles mula sa pagkabigla niya ata.

"Wala pa namang New Year, Dean, at nag-practice ka na." Pagtukoy ko sa posisyon niya ngayon.

"Ginulat mo ako sa paputok mo, Miss Falkin! Ano ang ginagawa mo dito?" He stood up and dusted off his tuxedo.

"May itatanong sana ako, Dean." Lumapit naman ako sa mesa niya at uminom muna sa kape niyang umuusok pa. Nauhaw tuloy ako sa ginawa kong paghagis ng paputok kahit saan.

"What is it, Miss Falkin?" He sat down at his desk.

"Ano kasi, Dean, baka puwede din akong tumalon mula sa 25th floor?" Hanep 'tong building, ang taas. Kaya gusto ko tuloy maging action star.

Napahawak naman siya sa puso at napakurap-kurap. "W-What's wrong with you, Miss Falkin? What's the problem at naisipan mo 'yan? Kausapin mo ako, handa akong makinig sa 'yo." His voice was full of concern. "Dahil ba ito sa mga rankers?"

"Naiinggit kasi ako, gusto ko ding matry tumalon." Sobrang cool kaya kung susubukan kong mag-parachute kagaya ng nakita ko kanina.

"G-Gusto mong subukan?" his voice stuttered. "Pero Miss Falkin, walang kasiguraduhan na mabubuhay ka."

"Come on, Dean, I'm used to it. Tumalon nga ako kahit nasa helicopter pa ako." Naalala ko naman ang mga adventures ko t'wing nag-parachute sa ibang bansa.

Inagaw niya naman ang kape at nilagok kahit mainit pa. Muli siyang napaayos pagkatapos. "Think carefully about that, Miss Falkin. It's a waste if you die early. Paano na si Rank 1? Ang kasunduan natin?"

Anong sinasabi niyang die?

"Dean, gusto kong mag-parachute ang ibig kong sabihin!" Naku naman, mali ata iniisip nito.

"Sana naman ayusin mo, Miss Falkin! Ginugulat mo ako." Napa-ayos siya ng upo ng mapagtanto. "Actually, ang gumagawa lang niyan ay mga Assassin upang maging bihasa ito. Ang mga kagaya mong rankers ay hindi mo pa magagawa dahil wala ka pang subject na ganyan."

Laglag ang balikat ko, so ibig sabihin hindi ko magagawa 'yon?

"Anyway, how are the Rankers? Nakilala mo ba si Rank 1?" pag-iiba niya.

"Sobrang talented nga nila, Dean," mabilis na sagot ko at umiling-iling nang maalala ko ang talento nila. "Sumayaw ba naman."

"Sumayaw!" napasigaw siya, halos mapatayo. "You must be mistaken, Miss Falkin, dahil ang mga rankers ay isa sa mga kinatatakutan dito. Wala sa bokabularyo nila ang ganyan."

"Ah talaga, Dean, may video pa nga ako." I showed it to him, making his eyes widen. "Di ba ang gagaling nila mag-freestyle sa puwet."

Halos ma-stroke naman ito sa kinauupuan.

"I-Ikaw may gawa niyan? H-How?" He couldn't believe it and shook his head. "What about si Rank 1? Nakita mo ba siya? Ano ang masasabi mo sa kanya?"

"Wala," I quickly replied. Nang makita nito ang kagandahan ko ay shinip ba naman ako agad kay Rank 1.

"Wala?!" gulat niya.

Tumango ako. "Oo, wala. Limang rankers lang ang nando'n, hindi ko kilala ang tinutukoy mong Rank 1. Sino ba sa kanila?"

Panot din ba 'yon kagaya niya?

"You'll recognize him immediately because he's the only one handsome there. Manang-mana sa 'kin." Humalakhak siya pagkatapos.

His Naughty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon