KABANATA 12

4.7K 347 92
                                    

NAPALUNOK ako habang napatingin sa naglalaban. Ang galing nila. Samantalang ako, kumakapit lang sa guardian angel ko, walang kasiguraduhan kung mananalo ba ako.

Napatingin ako sa katabi ko, si Damian, who was seriously watching the fight. Feel na feel niya pa na para bang siya pa ang nasasaktan  at nakikipag-away. Itinapat ko ang megaphone sa kanya.

"Huwag ka nang umiyak," simula ko sa pagkanta dahil gusto kong bigyan siya ng background music. Naks, ganda siguro ng boses ko kasi napalingon sa 'kin ang lahat.

"Are we even that close?" Damian asked irritably as he pushed the megaphone away.

"Naimpluwensiyahan ka ata ni Logan na maging masama. May pag-asa ka pang magbagong buhay, Damian." Pagpayo ko pa.

May inosenteng mukha si Damian, kaso parang sinakop siya ni Logan kaya naging masama. Sakto lang ang kanyang pangangatawan at moreno. May mga alahas din siya at hikaw, parang rockstar kung dating.

"Look at yourself, aren't you ashamed? Babae ka ba talaga?" he asked, looking at me with disgust. "Puro kapasawayan ang alam mo, ang pangit mo pa."

"Naks, hindi nga ako nagsalita noong maalala ko ang twerk mo. Manang-mana ka kay Logan. Sample ka naman diyan."

 "Is it fun for you to mess with us?" he said angrily as I reminded him. "Know who you're messing with, mataas pa ako sa 'yo!"

"Nagsalita lang naman ako at inungkat mo agad ang kagandahan ko. Bakit ka naman naging mataas? Eh magkatabi lang tayo ng inuupuan."

 His mouth fell open. "Logan was right, you're crazy and pathetic."

I just laughed at him. "Hindi naman nakakasakit 'yan, masakit sa mata 'yong twerk niyo ni Logan."

"Nakakasira ka ng gabi, don't talk to me!" Naglabas siya ng headset at isinilampak iyon.

Hays, wala talagang tatagal makipag-usap sa 'kin. Anong problema nila? Ang saya ko kaya kausap.

My gaze fell on Rank 1, who was sleeping in his chair. Special child din ito minsan. Itinaas ko ang megaphone. "Police! Police! Takbo!" pagkasabi ko ay dali-daling napatayo si Rank 1 na balisa at kumaripas ng takbo pababa.

Naalimpungatan ata. Nagulat pa ang mga rankers na napatingin sa papalayong Rank 1 at napanganga bago napatingin sa 'kin.

"Anong tingin-tingin niyo diyan? Kasalanan ko bang gumalaw 'yong dila ko?" I quickly made an excuse. Loko talaga 'yon si Rank 1. Saan kaya punta no'n?

"Cesarina, what have you done!" Si Carver stressed na naman.

"Carver, gabi na, hindi mo ba nakikita na nakaupo lang ako?" Nakarinig ako ng hiyawan na hudyat na parang tapos na ang laban.

"Now! Let's all welcome! The most awaited battle! Rank 8 vs. the Male Gang Leader!" said the emcee, and the crowd grew louder.

Napatayo ako at kinawayan din ang mga tao na nasa ibaba. Ang dami ko agad na fans kahit hindi sila nakatingin sa 'kin.

Sinadya kong tumigil sa harap ni Logan at nag-stretching muna dahil makikita na nila ang galing ko.

"Umalis ka sa harapan ko!" he shouted, which was enough to make me stop.

"Logan, masakit ba sa mata kapag mananalo ako ngayon?" tanong ko.

"I'll be the happiest man on earth if you lose the fight, you weak witch!" he said bitterly.

"Aba, Logan, lume-level up 'yong sungay mo ngayon. Mamaya, baka agawan mo ng puwesto si Satanas."

"You!" gigil niyang bulalas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Naughty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon