HAPPY 2015!
1 YEAR PALA AKO BAGO MAKAPAG-UDPATE! KALOKA! DAPAT PALA TITLE NITO,
"WELCOME BACK, AUTHOR!" HAHAHAHA!
BASAHIN NIYO MUNA YUNG PAST CHAPTERS BAKA MALITO KAYO, KASI KAHIT AKO NALITO NA.
HAVE A GREAT 2015 GUYS!
VICE'S POV:
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, parang tinutusok ng karayom yung puso ko sa araw araw na magigising ako at naiisip kong nasa hospital si sabrina para obserbahan at gawin ang ilang proseso para sa kanyang sakit. Walang sinomang tatay ang hahangarin ang ganitong sitwasyon ng kanyang anak, ako nalang sana magkasakit, wag na ang anak ko.
5pm sa NAIA, hinihintay ko pagdating ni Celine. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya ang sitwayson ng anak namin, hindi ko kasi muna sinabi sakanya habang nasa Singapore ito.
"I miss you!" sabay akap at halik sakin ni Celine sa neck ko. "Sa neck talaga agad?" sinabi ko sakanya ng matamlay habang binibitbit ang kanyang mga bagahe, ang dami naman akala mo saan galing e sa Asia lang din naman ang pinuntahan ng ate mo. "Ang dami kong pasalubong sa anak natin! Bakit hindi mo siya sinama! Miss na miss ko na din yun!" bigla naman ako napahinga ng malalim "Sa bahay na tayo magusap, ang traffic e napagod ako" "Napagod e may driver ka naman! Ikaw talaga!!" sabay niyang kurot sa cheeks ko. "Nakakapagod tumunganga" "Edi sana naglaro ka sa ipad!" sabi nito habang sumasakay sa sasakyan "Nakakahilo maglaro habang nasa sasakyan" sabi ko habang inaabot sa driver ang mga bag at sumakay na din sa sasakyan. "Hindi ka talaga papatalo sakin! Wait! Bakit ka ganyan!? Devastated? Stressed? Anong nangyari sa baby ko?" akap nito sa akin habang pinaandar na ni manong edie ang sasakyan. "Ha? Andito ka nanaman kasi, masstress nanaman ako" sabi ko sakanya habang sinuot ko na ang earphones ko at nagpatugtog nalang hindi ko alam kung paano sakanya sasabihin ang tungkol sa anak namin at hindi na din pinakinggan kung anong sinasabi niya. Mukang todo chika ang ate mo na akala niya naririnig ko pa ang mga sinasabi niya pero patulog na ako habang pauwi kami sa bahay.
"Hindi ko nga kasi alam kung ano ng gagawin ko Celine! Kung pwedeng alisin sa anak natin yung sakit at ilipat sakin gagawin ko, ngayon mismo!" umupo ako sa kama habang umiiyak na ako sa sakit habang sinasabi ko sakanya ang nangyari kay Sabrina "Nanay niya ako! Bakit hindi mo sakin sinabi agad!?" "Ayoko makasabagal sa seminar mo, plus inaalagaan mo din si tita doon. Hindi mo ba naintindihan yon!?" Umiiyak si Celine, alam kong masakit para sakanya yon galit na galit siya sakin dahil hindi ko sinabi agad sakanya, aba pasalamat siya nagkaroon ako ng pakialam sakanya kahit papano ayoko lang naman na baka magbreakdown siya habang wala ako sa tabi niya (NAKS NEMEN PO)
Lumapit siya sakin at inakap ako "Okay okay, i understand, thank you for your concern, magkasama tayo dito, kasama mo ako, naniniwala ako malalagpasan ni Sabrina to, malaki ang tiwala ko sa Diyos, ililigtas niya ang anak natin" sabi niya sakin habang hinahaplos ang likod ko kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata "Tara sa ospital? Jetlag ka pa ba?" tanong ko dito habang pinupunasan ang mga luha ko "No, tara na okay ako, gusto ko makita si Sabrina"
"Acute lymphoblastic leukemia po ang sakit ng anak niyo mr. and mrs. its a common type of leukemia for children wherein yung general cause is by the damage of DNA that leads to uncontrolled cellular growth and spreads throughout the body. 85% ang survival rates for children pero kumakalat siya at malala na yung sa anak niyo so we need to do first a radiation therapy for the preparation for a bone marrow transplant. She needs it para tuloy tuloy ang buhay ng bata" sabi ni doctor Vincent Cujuangco samin. "Handa kaming magbayad ng kahit magkano, gumaling lang ang anak namin" at hinawakan ko si Celine sa kamay na kitang kitang nanggigilid na ang luha. "I know kayang kaya niyo ang gastuhin misis, but a donor for a bone marrow? Mahirap tayo makakahanap niyan, as long as willing kayong magdonate for your daughter, and if it matches, yun gagawin na natin ang operation after the radiation therapy" "Sige doc, i-schedule niyo na ang examination sa amin ni Celine" "Well then, walang problema"
BINABASA MO ANG
Torn between two lovers. (Vicerylle)
FanfictionKahit ilang babae ang dumaan sakanya, hinding hindi niya pagpapalit kung sino talaga nagmamayari ng puso niya. True to life yung ibang pangyayari, yung iba naman kathang isip lamang :)