EXO SPECIAL PT. I
EXO and EXO-L Family sure went through a lot especially last year (2014).
We felt lonely, cried and all.
But look at us now..
We're celebrating our One thousandth day with our beloved EXO.
We've really reached this far. And I know we-EXO-Ls are proud of ourselves :"> Chukhahae <3
EXO SPECIAL PT. II
Hoooraay! Yehet! Ohoraaat! Guyseu~ TuT Isa nanaman itong nobela XD
Unang una sa lahat, napakasaya ko na parte ako sa pagdiriwang ng #1000DaysWithEXO. Akalain mo yun? Ang layo na talaga ng narating nila---natin :) Hindi man ako katulad ng iba na simula't sapul ay nandyan, atleast hindi katulad nila, never kong iniwan sa ere ang EXO.
Oo na-disappoint ako nung umalis si Kris, sobra akong nalungkot nung mga panahong iyon. Pero ano bang magagawa natin? Sila ang nagdesisyon noon, at kahit ipilit pa natin na huwag na siyang umalis, wala parin tayong magagawa kundi ang suportahan sila sa anu mang mga desisyong gagawin nila. Pero kahit nabawasan sila ng isa, hindi parin nabawasan ang paghanga at pag-idolize ko sa kanila. Sa katunayan ay mas tumatag pa ang pagtiwala at paghanga ko sa kanila--kasi kahit nawalan na sila ng isang member ay ginagawa parin nila ang best nila para ma-satisfy ang fans nila, para mapasaya nila TAYO.
Kung nalungkot ako sa pag-alis ni Kris, mas doble ang naramdaman kong poot at lungkot nang malamang pati si Luhan ay aalis na rin. Noong una ayokong maniwala, akala ko rumor lang ito na gawa-gawa nila. Pero hindi, TOTOO pala. At ang masakit pa, sunod-sunod na nag-lahuan ang mga fans nila (Kung fans nga ba silang matuturing -__-) Sobrang nakakalungkot. Pero alam kong hindi lang doble, hindi lang triple ang sakit na nararamdaman ng iba pang members ng EXO kumpara sa ating mga fans nila. Pero ano nga bang magagawa natin? Bilang mga fans susuportahan nalang natin sila..
Hindi lang pag-alis ng ni Kris at Luhan, napabalita ring nagkasakit sila. Like WTF, hindi pa ba talaga sapat yung lungkot na nadarama nila at kailangan pang sunod-sunod silang magkasakit? Maraming umalis sa fandom, hindi natin iyon maikakaila. At sa tingin ko'y isa yong factor kung bakit sila nagpapaka-worked up sa stage. Gusto nilang kahit kulang na sila, hindi parin mababawasan ang dating ng performances nila, at para SA ATIN nanaman iyon. They're working their assess off just to make US damn HAPPY! Plus the Taeyoen-Baekhyun dating scandal. At first I was shocked. Oo naman kasi ang daming rumors na si nagdate rin daw si Sehun at Taengoo noon, pero ano bang masama sa pagde-date? Wala akong makitang sapat na rason para i-bash nila ng ganoon si Baekhyun to the point na ang daming sassaeng na nagbabalak batuhin siya ng mga itlog. (Sa dinami-rami ng pwedeng ibato, bakit ITLOG pa? >///< XD) Sana naiintindihan niyo ang punto ko :<
Pero hindi lang dark sides ang dapat nating inaalala..
Siyempre marami ring happy moments ang EXO, sila pa eh mga reterded yata ang mga yan XD Remember nung madulas si Chanyeol sa Araneta? Dun siya sinimulang bansagan ng "Araneta Boy". Si Baek naman sa DKFC, HAHA XD wait natatawa ako LOL Syempre naging hit yung mga kataga niyang "MAHAL KO KAMI" Sino bang hindi ma-eewan dun? Enebe yen? HAHA XD And don't you dare not watch "Gwaenchanha, Sarangiya" where Dyo acted as a hallucination chuchu of the lead actor. It's a must watch! Plus.. Happy Camp. AHAHA! At yung mga MV remake nila. Napanuod nyo na ba? Hay naku~ Panoorin niyo dahil maganda ang mga iyon.
Nagshine naman talaga ang EXO ngayong year, pero mas pinapansin lang talaga ng mga tao yung bad side. Haay, di ko sila magets minsan :< Alalahanin nyo, si Kai ay nafeature sa solo ni Taemin. And it was a success. Si Chanyeol, he was also featuring on Henry's Bad Girl and on Zhoumi's Replay (Korean Ver.) and of course dahil Yeobo ko iyon, success rin ang collab nila. Pahuhuli ba si Tao? Syempre successful din yung Replay ni Zhoumi ng Chinese Version. Hindi lang sila ang mga members na nagshine ngayong taon. Acctually, lahat naman sila eh :)
2014.. Haaay, buti at tapos na ang taong iyon, sobrang hirap, sobrang saya, sobrang poot. Halo-halong feels.
At ngayon, January 2, 2014, masaya kong sinasabing.... naka-abot tayo sa 1000 Days! Congratulations sa atin~ Matapos nating magdusa sa nakaraang taon, alam kong mag-uumapaw ang blessings natin ngayong taon! Kaya cheer up~ <3
Ayan na~ SIge pakasaya tayong lahat, ne? Malnamal ko kayo 12 gheis :* Kahit anong mangyari, OT12 parin kayo sa isipan ko <3
#1000DaysWithEXO
#ILoveEXO
XOXO <3