DANIEL
Kathryn Chandria Manuel Bernardo
Siya ang pinakapangit na babae para sakin. Pangit na nga siya, ang pangit-pangit pa niya.
Kung umasta, akala mo ang ganda-ganda.
Wala nga siya sa kalingkikan ng mga naging girlfriends ko eh.
Siya lang yung babaeng hindi ako nagustuhan, hindi nagkakandarapa sa'kin at hindi nagmamakaawa para mahalin ko.
Iba talaga siya.
-
Pinaglalaruan ko lang ba talaga siya?
O nahuhulog na'ko sa kanya?
Alam ko namang gusto niya ako eh, pakipot pa siya.
Kayang-kaya ko siyang makuha.
Kasi... Gwapo ako.
Tiwala lang. Bibigay din siya.
Dahil ako si Daniel John Ford Padilla at isa akong Casanova.
KATHRYN
Daniel John Ford Padilla
Isang napakapangit na taong walang ginawa kundi magpapalit-palit ng girlfriends.
Ang panget niya talaga! Nanggagalaiti ako sa pagmumukha niya.
-
Wala akong gusto sa kanya
At hinding-hindi ko siya magugustuhan.
Ano'ng akala niya?
Madali niya akong makukuha?
Asa siya.
Oo nga pala, alam ko ang laro niya.
Kaya wag ka.
Nakikipaglaro lang ako sa kanya.
At kaya kong gawin iyon dahil... Maganda ako.
Ako si Kathryn Chandria Manuel Bernardo and I'm dating the Casanova.
BINABASA MO ANG
Dating the Casanova (KathNiel FanFic)
FanfictionBa't ba hindi niya ako magustuhan? Ibang klase to'! Antayin niya lang, makukuha ko rin siya. DAHIL LAHAT NG GUSTO KO, NAKUKUHA KO. -Daniel John Ford Padilla Paglalaruan niya rin ako gaya ng iba? Lolokohin at paiiyakin niya rin ako gaya ng palaging g...