jonaxx "Until Trilogy"

1.3K 7 3
                                    

Until He Was Gone

Wala talaga akong kaalam alam na si Elijah at Klare ang bida dito kasi nga magpinsan sila. Naawa talaga ako sa lovelife nila dahil secret relationship sila. Ilang pagpipigil ang ginawa nila pero hindi pa rin nila napigil yung sarili nila. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Haha! Natawa ako kahit wala naman kasi never pa silang nagkiss into lips. Nagkiss rin sila pero noong umalis na si Elijah. Nakakaawa talaga dito si Klare noong natuklasan na yung relationship nila ni Elijah dahil nasampal pa siya ni Erin at parang kinamuhian ng iba. Si Elijah naman ay walang pakialam kung anong maramdaman ng iba basta makasama niya lang si Klare. Kahit na malaman pa ng pamilya niya ay hindi siya sumuko kay Klare kahit na incest yung relationship nila. Bilib rin ako kay Klare dahil kahit na mahal na mahal niya si Elijah ay nagawa niya pa rin itong bitawan at yun ang pinakamasakit sa lahat. Letting go of the one you love because it's the right thing to do. Saka naman nalaman niya ang lihim ng mga magulang niya.

Until He Returned

Naawa talaga ako dito kay Klare at the same time ay naiyak rin. Pinagtabuyan siya ng kanyang mga pinsan dahil lang pinalitan nito ang kanyang surname ay talagang heart breaking sa part niya. Ilang years rin silang nagsama at sabay lumaki pero dahil lang doon ay kinalimutan na siya at pinagtabuyan. Naiyak talaga ako noong pumunta sila sa bar ba yun? Sorry, nakalimutan. Kasama niya ang kanyang dalawang kapatid at pinakanta pa ito. Kinanta niya yung nababagay sa feeling niya tapos nung magmulat na siya ng mata ay nakita niya ang mga pinsan niya na nakatingin sa kanya. May mga iilan na umiiyak. Di ko talaga makalimutan itong scene na 'to.

Until Forever

Prequel and sequel po ang story na 'to kaya mas naintindihan ko kung paano at bakit nainlove si Elijah kay Klare. Kung paano nagpigil si Elijah. Kung paano niya ibinaling ang atensyon sa iba. Pero sa huli pa rin ay si Klare lang talaga. Mahal na mahal niya talaga si Klare at akala ko ay seryoso siya kay Selena noon. Ginamit niya lang pala ito para makauwi sa Pinas at para makita rin si Klare. Natouch ako noong nagpropose si Elijah kay Klare kasi pumayag na ang tatay ni Elijah. Sa kalagitnaan pa talaga ng pag-aaway yun ng lola ni Klare at si Klare. Hahaha! I love this story.

Message to jonaxx:
I super love you Queen J. Nasabi ko na na ikaw ang paborito kong author diba? Iba kasi talaga ang mga imaginations mo. Hindi ko aakalain na may mabubuong story dito sa wattpad na lover na magpinsan. Two thumbs up po ako dito. Ito po ang kauna unahang story na natapos ko hanggang book 3. Meron namang nauna kong binasa na book 3 pero hindi pa tapos. Medyo nabitin ako sa story na 'to kasi ineexpect ko talaga na mauuwi sila kasalan gaya ng iba mong story. Yun talaga ang ineexpect ko pero okay naman 'to. I super love this nga diba? Love you Queen J! Mwah!



Famous Authors and Their StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon