CHAPTER 2

11 4 0
                                    

THIS STORY MAY CONTAIN TYPO'S AND GRAMMATICAL ERROR.

READ AT YOUR OWN RISK!

ENJOY READING PANDASSS! ♥♥♥

_______________________________________

KINABUKASAN ay maaga akung nagising para tumulong kay Nanay sa pag luto.


Pagkatapos ay lumuwas kami ng Bacolod para sunduin si kuya. Doon kasi siya nag aaral ng kolihiyo. Pwede naman siyang umuwi nalang mag isa, pero sabi ni Nanay may bibilhin rin daw kasi siya doon kaya susunduin nalang rin namin si Kuya.


"Nanay, pwede po ba tayung gumala pagkatapos sunduin si kuya? May bibilhin karin naman diba?" Sabi ko habang naka hawak sa braso ni Nanay. 


Nasa labas na kami ng eskwelahan ni kuya at nakatayung hinihintay siya.
Malaki itong paaralan. Maganda rin at paniguradong maraming matarambayan sa loob.


"Pumunta tayu dito para sunduin ang  Kuya mo, Eca. At bibili lang tayu saglit para maka uwi tayu kaagad. Gagabihin tayu kapag gumala kapa." Si Nanay.


Napanguso ako at nanahimik nalang. Minsan na ngalang kami lumiwas ng Bacolod tapos hindi pa kami gagala? Ang lungkot naman, hyst.


Ilang minuto pa at lumabas na si kuya sa eskwelahan nila. Nakangiti itong sinalubong si Nanay at umirap naman ito ng ako na ang tinignan. Ngumuso naman ako dahil wala paring ipinagbago sakaniya.


"Nay, bakit nakanguso itong kapatid ko?" Tanong ni kuya.


Nasa downtown na kami ngayon ng Bacolod. Nag iikot sa maaari naming pag bilhan ng nga kailangan ni Nanay. Malaki itong downtown nila, maraming malls at stores. Malaki rin  ang SM dito kaya masarap gumala. Ang kasu hindi naman ako papayagan!


"Ay ewan ko diyan sa kapatid mo, gusto niyang gumala eh baka gabihin tayu!" Nasa paligid ang tingin ni Nanay.


Tumingin naman saakin si kuya ng nakataas ang isang kilay. Ginulo nito ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.


Pumasok kami sa isang store doon, tapos sa isa naman at sa isa pa. Gumagabi na ng matapos sa pamimili si Nanay. Kaya nalungkot ako dahil wala na talagang pag asa na maka gala pa ako.


Gabi ng makauwi kami. Bumili nalang kami sa jollibee kanina kaya 'yon na ang naging hapunan namin.

Tatlo lamang kami ang nakatira dito sa bahay. Ang Tatay namin ay na matay noong bata pa ako dahil sa cancer. Kaya nga ang pag bebenta ng mga sari-saring pagkain ni Nanay ang bumubuhay saamin.


malapit ng grumaduate si kuya, isang taon nalang. Habang ako ay nasa grade 10 pa lamang.


"Nanay...kapag kolihiyo narin po ako, gusto ko pong sa Bacolod rin mag aaral, Nanay." Nasa gawain na sabi ko.


Nilalagay na kasi namin sa taperware ang niluto ni Nanay na e-dedeliver bukas.


Umangat ang tingin ko sakaniya at nakatingin narin pala ito saakin pero umiwas din ka agad.


"Anu ba ang kukunin mong kurso, Eca?" Tanong nito.


Tumigil muna ako sa ginagawa at nakangiting tumingin ulit sakaniya.


"Gusto ko pong maging isang flight attendant, Nay. Diba maganda ang mga eskwelahan sa Bacolod, Nanay?" Sagot ko.


Tumingala pa ako na parang iniimagine ang sarili na sumasakay sa eroplano. Nag tatrabaho.


"Kakayanin mo ba iyon, Eca?" Tumigil naman siya saglit sa ginagawa.


Tumango ako na walang pag aalinlangan. Umiling naman ng bahagya si Nanay bago nag patuloy sa ginagawa.


"Kung gano'n, pag sipagan mo ang 'yong huling taon sa highschool para riyan,  Eca." Si Nanay.


Tumango tango naman ako. Kinabukasan ay hinatid ko ulit ang mga orders. Ngayon naman ay sa kabilang bayan pero madadaanan ko ulit ang plaza dahil iyon ang main dito sa amin.


Katulad ng nga na unang araw, subrang init rin ngayon. White long sleeves na merong design sa gitna nito ang suot ko. Pinarisan ko ulit ng jumper dress na kulay brown.


Alam kung palagi akung kinakantiyawan dahil sa suot ko. Meron naman akung ibang damit na katulad ng sa mga babae ngayon, si kuya pa nga ang Bumili non sa Bacolod.


Ang kasu...hindi ako sanay! Kaya ganito nalang sinusuot ko. Comportable pa ako.


Sumakay ulit ako ng tricycle papuntang plaza. Tapos pag dating do'n mag lalakad nalang ulit ako.


Pagkababa ay nag bayad mo na ako kay manong driver. Inayos ko pa ang damit ko ng may narinig akung mga tawanan.


Sa isip ko ay ako seguro ang tinatawanan nila, kaya ng dahan dahan akung humarap ay, nakumpirma kung tama nga ako.


It was Ernesto in his group of friends again. Nasa plaza pala ang mga ito. Seguro nag ba basketball dahil sa mga suot ng kasama niya maliban sakaniya.


"Oyyy! Eca! Tag ulan ulit sainyo?" Pasigaw na tanong ng isang kaibigan niya. Si Joshua.


Dahil sa boses niyang parang microphone, ang ibang tao sa plaza ay napatingin saakin. Umiling ako sakanila at mag lalakad na sana.


Pero tulad nga ng sinabi ko noong isang araw, mga gago sila kaya hindi ako maka alis ng basta basta.


"Eca! Papunta naman sa bahay sa n'yo, oh! Diba malamig doon? Subrang init kasi ngayon ang panahon!"


Dagdag naman no'ng isa dahilan ng pa tawanan nila maliban parin kay Ernesto.


"Hindi malamig saamin eh...wala rin kaming aircon at mahirap lang kami. Alam kung alam ninyo iyon kaya sa mga bahay nalang ninyo kayu," simpleng sabi ko.


Hindi ako nahihiyang sabihin sa mga kumakantiyaw saakin na mahirap lang ako at ang pamilya ko. Bakit naman kasi ako mahihiya eh totoo naman diba?


Walang naman segurong mawawala kung sasabihin mo ang totoo. In fact, nag pagkatotoo ka pa nga sa mga tao. Lalong lalo na sarili mo.


Kung mahal natin ang mga pamilya natin...bakit natin sila ikakahiya? Alam ko rin na pino-problema nila ang kasuutan ko. Pero hindi ko nga ito pino-problema eh...sila pa?


Mga tao talaga ngayon, wala ng ginagawa kundi bantayan ang bawat galaw mo, ang buhay mo. Imbes na ituon nalang ang pansin sa mga pamilya nila, mas uunahin pa Iyong  tsismiss na ikakasira ng iba.

FINDING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon