ORIENTATION DAY

19 0 0
                                    

ANG MGA MAKIKITA AT MABABASA NINYO DITO AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG NI AUTHOR, LAHAT TO AY WALANG KONEK SA TOTOONG BUHAY. ANG MGA PANGALAN, LUGAR AT PANGYAYARI AY PAWANG CO-INCIDENCE LAMANG AT INUULIT KO WALANG KONEK SA TOTOONG BUHAY, AND I THANK YOU!! ENJOY READING, LOVELOTS!!

PLAGIARISM IS A CRIME!
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

VERON's

"ALL OF YOU, TAKE MY COMMAND! HARAP SA LIKODDDD, RAP!"
"HARAP SA KALIWAAAAA, RAP!"
"HARAP SA KALIWAAAA, RAP!"
"TUNE! WALA NANG PAGALAW-GALAW DIYAN KUNG AYAW NIYONG MAS PAG PAWISAN!!"

"SIR YES SIR" sabay sabay na sagot naman naming nga kadete

Nakatingin lang ako sa kaniya habang may mga sinasabi pa siyang instruction sa amin, alam kong bawal ngumiti pero napapa ngiti ako habang naka tune at naka tingin sa kaniya.

Ang gwapo pa din talaga kahit naka kunot ang noo at halata mong stress na. Napaka strikto pag nasa field pero tuwing kami kami nalang ang magkakasama akala mong bata kung umasta, tsk.

"TIWALAG!"

"SALAMAT PO!" sagot namin sa kaniya at agad kaming humarap sa likod at nagtungo sa mga pupuntahan namin, karamihan ay sa canteen at CR dumeretsyo, samantalang ako ay dito sa HQ namin pumunta.

"Hoy kamusta?" naramdaman ko ang pag akbay nito sa akin at nang tanawin ko ito ay tila bang iba na siya mula sa kaninang nakakunot ang noo sa gitna ng field.

Balik nanaman siya sa pagiging isip bata, parang kanina lang ay kung makasigaw sa mga pagalaw galaw na kadete'y tila mong mangangain ng tao.

Para bang ano mang minuto kanina ay sasabog sa sobrang pagka inis sa mga makukulit na kadete.

"Verifying ka a" naka ngising wika pa nito, hindi ko pa nagagawang sumagot ay agad na siyang umalis sa pagka akbay sa akin at dumeretsyo na sa loob ng HQ, narito pa kasi ako sa harap ng pinto nang akbayan niya ako.

Napangiti ako at malalim na buntong hininga nalang ang napakawalan ko nang malala ko.. kung sino at ano ba siya sa akin.

Simulan natin ang lahat sa unang sabado ng taon...

GOLDEN RULE (ROTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon