1st Training Day

16 0 0
                                    

6 JUNE 2015

Pucha, bakit ba naman ang aga agad nang pasok ngayon? Tsk, 5:00 am kailangan nasa school na? Anong klaseng pasok yon ha?

Inis kong isinuot ang puti kong sapatos at nagmamadaling bumaba. Si lola palang ang gising at kasalukuyan itong nagluluto ng almusal para sa aming magkakapatid.

"O Veron apo? Ang aga mo naman ata?" takang tanong ni lola dahil siguradong hindi ito sanay na makita akong pumasok ng maaga dahil mula elem.. late kung late ako sa pag pasok. Dala narin siguro nang medyo kalakihan ng katawan ko.

"Ah.. opo lola, eto po kasi ang binigay na schedule sa amin, wala pong magagawa ginusto ko to hehe" napapakamot ang ulong sagot ko kay lola

"Bakit ba naman kasi gusto mo pang mag pulis e kababae mong tao?" anito habang naglalapag na ng pagkain sa harap ko

"Lola sabi ko naman po sa inyo walang pinipiling kasarian ang pag pupulis" nakangiting sagot ko kay lola

Simula nung malaman niya kasing pag pupulis ang gusto kong kunin ay talaga namang ayaw niya, mapapahamak lang daw ako dun.

"Pwede ka namang mag teacher nalang o kaya yung gusto ng mommy mo, pharmacist" eto nanaman si lola..

"La ayaw ko nga po nun, masyadong mahirap magkabisa saka tamang tama po ang height ko para sa kursong to!" natatawang sagot ko dito, napa buntong hininga nalang si lola.

"Basta mag-iingat ka lang palagi.. nakakapagod yan dahil kasabay ng pag-aaral mo ay may pisikal pang kasama yang kurso mo" pag hahabilin pa ni lola at saka pumasok nang muli sa kusina at hindi na hinintay pa ang sagot ko, naiintindihan ko naman si lola pero ito talaga ang gusto ko e.

Binilisan ko ang pag kain dahil ayaw ko namang malate sa first day ng ROTC. Sabado ngayon at isa ito sa mga tinetake kong major subject ngayong first year ako sa Criminology. Bakit ko gusto ang Criminology? Hindi ko din alam.. basta naisip ko lang na parang gusto kong ito ang kuning course hehe.

"Dream apo, gising kana?" napalingon ako sa kapatid kong palabas sa kwarto niya, kinukusot kusot pa nito ang mata.

"*Yawn* matutulog pa po ako ulit lola, mag cr lang" agad niya na ngang isinara ang pinto ng cr.. siguradong alas otso nanaman ang gising nito.

Inayos ko lang ang mga gamit ko pag tapos kong kumain at agad na nagpa alam kay lola, dumeretsyo ako sa sakayan ng jeep. Mas gusto kong nag jejeep dahil mas mura at may kasama pa ako sa sasakyan, samantalang yung si Dream palaging sa tricycle sumasakay bukod sa medyo delikado ay mahal din ang bayad. Ayaw namang nakikinig saakin ng batang yun kaya pinapabayaan ko nalang.

4:45

KINGINA!!

Napatingin ako sa orasan ko at pucha, malelate na ako pero medyo malayo pa ako sa school, paktay!

Kinakabahan din kasi talaga ako ngayon dahil maliban sa alam ko namang may karampatang parusa ang late.. hindi ko alam kung may sundalo o pulis bang mag hahandle sa amin.

Patakbo akong bumaba sa jeep at dumeretsyo papasok sa school, agad kong tinap ang ID ko at dumeretyo sa mga nakita kong katulad ko ring naka suot ng puting t-shirt at maong pants.

Agad hinahanap ng mga mata ko ang mga kaklase ko.. kahit iilang araw palang naman kaming magkakasama ay may mangilan ngilan na akong kilala, lalo na ang mga babae.

"Veron dito!" natanaw ko ang pag kaway sa akin ng isa sa mga kaklase kong babae, tumakbo ako palapit sa kanila at pumila ng maayos

"One minute nalang.. muntik kana malate.. kanina pa kami naka formation dito" ito si Cassidy Lavera, isa sa mga unang nakausap ko sa classroom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GOLDEN RULE (ROTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon