- Jeepney -

20 6 13
                                    

Nag lalakad ako ngayon papunta sa sakayan ng jeep, isang mahabang pag hihintay na naman ito. Bakit ba hindi ako makaahon sa buhay? Kulang pa ba mga hirap ko? Ano pa ba kailangan ko gawin?

Unti unting umusad ang pila at bago pa man ako maka pasok ay may humablot ng bag ko. 

"HOY!" sigaw ko dito at saka hinabol ito.

Habang tumatakbo ay kinakabahan na ako dahil nandun lahat ng ipapasa kong forms para sa trabaho. Kahit college student palang ako ay kinailangan ko na magtrabaho para makapagtapos ng pag aaral. Mahirap ang buhay ko kumpara sa ibang tao. 

Wala namang lamang pera yung bag ko bakit kailangan niya kunin?

"KUYA WALANG LAMAN YAN! KUYA PARANG AWA MO NA!" Pag mamakaawa ko sa mag nanakaw. Pinag tititigan na ako rito dahil para akong baliw, pero nakikita na nga nila ang nangyayari hindi pa sila tumulong. Ganito na ba ang mga tao ngayon? 

Hinabol ko ng hinabol hanggang makarating kami sa isang madilim na bahagi ng Maynila. Sa panahong ito hindi ko na alam ang gagawin, natatakot na ako. Sundan ko pa ba? O sukuan ko na? 

Napag desisyonan ko na bumalik nalang sa jeepney, may pera naman ako sa bulsa. Kasya na siguro to. Gagawa nalang ulit ako ng forms. Pagka talikod ko ay dilim lang naaninag, hindi ko matandaan kung san ako nanggaling. Tumingin ako sa paligid ko at napapaurong nalang ako patalikod dahil parang lalamunin ako ng kadiliman.

Isang hakbang sa kaliwa, isa sa kanan hanggang sa may nabunggo ako sa aking likod. Nang tignan ko ay isa itong matangkad na lalaki na naka yuko para tignan ako at dahil dun ay mas lalo akong kinabahan. Tumakbo ako ng mabilis dahil ramdam ko ang nakakatakot na awra nito. Hindi ko alam kung sinusundan niya ba ako dahil ayoko lumingon sa likod.

May nakikita na akong ilaw! Pagkalapit ko ay nakita kong isa pala itong sari sari store. Sa layo ng tinakbo ko at sa bilis ko na rin ay hinihingal na ako kaya napaupo na ako sa upuan sa labas ng tindahan.

"Ay hala san ka galing ineng?" Tanong sakin ng matandang babaeng nagbabantay sa tindahan nang mapansing halos mahimatay na ako sa pagod. "Bakit pawis na pawis ka?" dagdag pa nito

"m-Ma-May Huma-ha-Humahabol sakin" hinihingal kong sagot.

"Ha?! E pumasok ka dali nang di ka niya makita." Halata dito ang pag aalala

"Hindi na ho, pahingi nalang po ng tubig. Kailangan ko na rin po kasi umuwi samin" sabi ko nang medyo bumabalik na lakas ko. 

"Osige iha, ikuha kita sandali lang." Nag mamadaling sabi nito bago pumasok sa loob.

Nakahiga na ako ngayon sa upuang pahaba na gawa sa semento nang makita ko ang lalaki kanina na papalapit. Napabalikwas agad ako at napatakbo ulit ng mabilis sa kabilang direksyon. Sinundan niya ako?!

Wala na akong lakas pa para tumakbo at hindi na ako kasing bilis kanina kaya nang may nakita ako malaking balde ay nagtago ako sa likod nito. 

Nakita ko siyang lumagpas na sa kinakapuan ko at parang nalilito kung saan pupunta. Sana hindi niya ako makita rito. 'Takbo ka na ulit' sabi ko sa isip ko na parang naririnig ako ng humahabol sakin. Nang sumilip ako ay muntikan pa akong makita kaya bumalik ako sa dati kong pwesto at papalipas muna ng ilang minuto. 

Nakakatakot na masyado itong araw na 'to

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na ako pero napadapa ulit nang may nabunggo. Yung humahabol sakin! Pano niya ako nakita?! 

"Tama na ang takbo, kapagod ka habulin." sabi nito saka biglang hinawakan ang aking pulsuhan para di na makatakas.

"TULONG!" sigaw ko ng malakas dahil hindi ko na alam ang gagawin at may lalaking hawak ako. Sana may makarinig sakin o kaya may dumaan manlang dito. 

One shotsWhere stories live. Discover now