Chapter 1

3 0 0
                                    

"Mag stay na lamang kayo sa inyong mga tahanan..."

Padabog kong inoff ang tv dahil sa inis. May kumakalat ngayon na virus at wala pa silang nahahanap na solusyon para mapugso ito.

Inabot ko ang cellphone ko sa lamesa. Binuksan ko facebook app. Ang dami nanaman nag aadd sakin.

Chineck ko lang kung sino-sino sila. In-accept ko lang yung mga kakilala ko. Napatigil ako sa pag sscroll nang nakita ko ang pangalan ng crush ko.

Hindi ako makapaniwala na nag friend request siya sakin.

To Cheska
Gurl! Kinikilig ako!!! Inadd ako
ni Archie❤️❤️❤️

Kilig na kilig pa ako habang nagchachat sa bestfriend ko. Nilagyan ko pa ng heart emoji para damang dama niya na kinikilig talaga ako.

In-accept ko na si Archie, agad ko naman siya ini-stalk. Kilig na kilig ako makita mga pictures niya. Naka private kasi account niya ewan ko ba diyan.

Cheska
Hala gurl!!! Weh?!!!

Oo nga!!! Akala ko magiging boring na pag stay ko dito sa bahay kasi hindi ko na makikita si Archie, My baby❤️❤️❤️

Ano? Aasa ka nanaman na crush ka niya?
Gaya nung may pasok pa tayo.
Nag aassume ka na tinitignan ka niya lagi.

Hindi naman masama umasa:(

Kung sobra ikaw na ang masasaktan niyan.

Sineen ko na lang siya. Hindi ko talaga mapigilan umasa. Kilig na kilig talaga ako.

Ako pa nag hugas nang mga pinagkainan namin ngayong gabi. Nagugulat pa nga si mama kasi hindi ko naman daw ugali mag hugas ng plato sa gabi.

Naka ngiti pa ako habang nag huhugas. Bago ako umakyat kumuha muna ako ng mga chips at coke. Lagi kasi akong gutom.

"Ang gwapo gwapo niya talaga." Nakatitig ako ngayon sa picture niya. Syempre ginawa ko na rin lockscreen ko para kada gising ko mukha niya agad makita ko pag hawak ko sa cellphone.

"Sinong gwapo Hannah Jane?"

Nagugulat kong pinatay agad ang phone ko at napa ayos ng higa. Narinig ko pang nahulog ang cellphone ko sa sahig.

"Mama, bakit gising ka pa?" Kinakabahan man ginawa kong maging natural ang pagsasalita ko.

"Hindi mo sinasagot tanong ko sayo, Anak."

Lumapit siya sa kama ko at naupo kaya naman inayos ko mga kalat ko sa kama.

"Hindi mo din sinasagot tanong ko, Ma."

"Ikaw talaga loko loko ka."

"Loko loko ka din, Ma."

"Siguro may boyfriend kana."

"Ma naman, nanliligaw nga wala boyfriend pa kaya."

"Aba malay ko bang hindi mo na hinayaan manligaw yang sinasabi mong gwapo."

"Hindi naman ako pa easy to get, Mama."

Nginitian lang ako ni mama. Tumayo siya at naglakad na paalis. Asa pinto na siya nung huminto siya.

"Mag iingat ka lagi sa desisyon mo, Anak. Ayaw namin ng Papa mo na masaktan ka."

"Oo naman, Ma. 18 na po ako alam ko na po ang mga tama at mali."

Hindi niya na ako pinansin at sinara na ang pinto ko. Dali dali kong pinulot ang cellphone ko sa sahig.

May chat pala si cheska.

Cheska
Gurl, maniniwala ako na crush ka niya kapag siya ang nag first move.

Osige ha, sinasabi ko talaga sayo may crush din
siya saakin.

Sabi mo eh, support na lang kita.

Nag heart react na lang ako. Wala ako sa mood makipag chikahan kasi iniisip ko kung paano ko mapapa first move si Archie.

Syempre hindi naman ako sure na crush niya din ako eh.

Habang nanunuod ako sa netflix biglang may nag pop up na chat.

Yung antok na antok ang diwa ko bigla na lang nagising dahil lang sa nag chat.

Napatingin pa ako sa oras. 2:43 am na. Bakit naman ngayon niya lang ako maiisipan na ichat?

Tinitigan ko ang chat sakin ni Archie.

Archie
Hi hannah.

Hindi ko alam kung rereplyan ko ba siya o hindi. Baka naman makahalata siya sakin na crush na crush ko siya pag nireplyan ko siya ng gantong oras.

Ano naman kung gising pa ako ng gantong oras hindi naman siya ang dahilan eh.

Pinatapos ko na lang yung movie at pinilit kong matulog. Kahit hindi talaga ako inaantok.

Archie naman, baka pati sa panaginip andun ka rin...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Messenger Where stories live. Discover now