Ang simula ng istorya...
Kasalukuyan akong nagtatago dito sa gilid ng bahay namin. Napakagat ako sa labi ko noong lumikha ng tunog 'yung alagang kong baboy ramo na si Oscar.
Tumingala ako sa langit. Hapon na. Lumulubog na ang araw. Kulay kahel na ang langit. Huling tingin ko sa oras nu'ng lumabas ako ay pasado ala singko y media na ng hapon.
Napasimangot ulit ako nu'ng nag-ingay na naman si Oscar.
Nilingon ko ito at pinandilatan ko ng mata, "Oscar..." bulong ko at inilagay ko 'yung daliri ko sa labi para senyasan s'yang manahimik.
Mukhang nakuha n'ya naman ang ipinahihiwatig ko nu'ng tumigil na s'ya sa pag-iingay.
Muli, sumilip ulit ako mula sa aking pinagtataguan para tignan kung nando'n pa ba ang aking Ama na nagpapaligo ng aming kabayo na si Moreno.
Nakabagsak na sa lupa 'yung pinaggamitan ng hose at timba na may sabon doon.
Muntik na kong mapalakpak nu'ng makita kong wala na ito doon. Malamang ay nagpunta na ito sa kwadra upang ibalik doon si Moreno at kuhanin naman si Meztiso, ang kabayong mahirap pasunurin.
Ang kwadra na mga kabaya ay malayo ng tatlong metro sa aming bahay.
Dahan-dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan at inililibot ko ang aking tingin, sinisiguradong walang taong makakahuli sa'kin.
Nu'ng masigurado kong wala ay hinawakan ko ang bandang laylayan ng aking bestidang puti at kumaripas ng takbo papalayo sa aming tahanan.
"Anastacio!" Rinig kong sigaw ng aking Ina. Halos matawa ako dahil halatang galit na galit ito, base sa gamit ng tono ng boses n'ya. Malamang, nalaman na n'yang wala ako sa aking silid.
Humagikgik ako. Kaya mas binilisan ko pa ang aking takbo para 'di na maabutan pa nila Ama at Ina kung sakaling habulin nila ako.
Some rules are not meant to be follow. You need to break it sometimes to make yourself happy. If breaking rules will set me in to jail then, ayoko pumunta. Forest makes me happy because of these natural air and beautiful masterpiece tapos ikukulong lang nila ko? Big no. N.O
Napahawak ako sa aking tuhod at huminga ako ng malalim nu'ng narating ko na ang gitna ng kakahuyan. Tumingala ako para makita ang ganda ng sinag ng araw.
Inilahad ko ang aking braso at pinikit ang aking mata. Nilalasap ang lamig ng hangin na panghapon.
Ngumiti ako at umikot-ikot. Ginagaya ang sayaw na napapanood ko sa telebisyon. 'Yung mga sayaw ng mga mahaharlika sa palasyo.
Nakaramdam ako ng hilo kaya hinayaan kong ibinagsak ang aking katawan sa mga dahon na nakakumpol. Hindi alintana ang dumi na magdudulot sa manipis kong puting bestida na kita ang balikat at kati nito sa'king balat.
Napailing na lang ako sa isipan na panigurado bukod sa papagalitan ako dahil sa pagtakas eh, papagalitan din ako sa dumi ng damit ko na naman.
Ayaw ni Ina at Ama na umaalis ako mag-isa papuntang kagubatan. I don't know why but, being alone in the middle of the woods, makes my entire body relax.
Kahit na pinagbabawalan ako ng aking mga magulang na maglagi dito ay 'di ko maiwasang suwayin sila. I want to be alone here in this beautiful masterpiece.
The joyfulness that I feel here, is different. Even though, they're telling me that staying here is dangerous because of the wild animals, I don't feel fear. Hindi ko alam kung bakit. Basta alam ko lang, gusto ko ang huni ng mga ibon sa lugar na ito, ang hangin, at ang mga bulaklak, halaman, at puno.