Chapter One

3 0 0
                                    

    MATTHEW'S POV

     A-ako si Matthew Simon Pangilinan, ay nagta-trabaho sa isang kompanya sa Makati. Hindi ko na ipapakilala ang sarili ko kasi makikilala niyo rin naman ako.

Araw araw na akong pumapasok sa opisinang ito pero kahit ata ang guwardiya hindi ako nakikilala o namumukhaan, ganyan talaga ang buhay ko.

Kasalukuyang papasok na ako sa tabaho, hindi naman ako puro paporma, nagta-trabaho ako para kumita, hindi para pumorma, makikita naman sa suot ko na walang kakwenta kwenta rin kung tignan.
Nakasuot lamang ako ng brown na jacket na medyo malaki, sa loob nun naka t-shirt akong kulay asul na medyo malaki rin, naka-eyeglasses din ako dahil sa kundisyon ng mata ko, kulot ang aking buhok, medyo may balbas. Ang aking bag naman ay luma na din, isa yong lumang sling bag na may pagkaluma na ring tignan, kulay itim ito at nasa harap ko, medyo mahaba-haba ang haba nun, hangganh bewang ko rin ito. Habang naglalakad ako nakalagay rin ang dalawa kong kamay sa sling bag ko na ayaw kong mawala sa akin ito.

At ang aking pambaba nakapantalon ako, hindi baston, hindi maluwag, yung tipong komportable ako, ang aking sapatos naman kung iyong titignan wala rin kakwentang kwentang tignan dahil marumi, matagal ko narin kasing sinusuot ito, hindi naman ako ganon kayaman para bumili ng bago kaya pinagtitiisan ko nalang ito.

Papalakad na ako sa harap ng gate ng opisina nang biglang humaramg ang guwardiyang walang kaalam alam kung nagta-trabaho ba ako dito. "Umm kuya bawal dito ang pulubi" saad nito sakin, agad naman akong napatingin sa suot ko, ito rin naman ang guwardiyang nakikita ko at nakikita ako araw araw pero bakit parang hindi niya ako makilala o mamukhaan lamang, narinig ko rin ang tawanan at ang mga bulungan ng tao. "Ano ba iyan kasi, magsusuot na nga lang yung magmukhang tao naman" ani ng isang babae sa aking likod "Dito bayan nagta-trabaho? Hindi lang naman na-inform na kailangan maganda kang tingnan pagpapasok dito" patawang ani ng isang bakla na natitiyak kong kasama nung babae na nangpintas kani-kanina lamang. "Ahh o-opo, di-dito po ak-ako nagta-trabaho" sagot ko sa guwardiya at inayos ko pa ang nahuhulog kong salamin gamit ang aking isang daliri sa kaliwang kamay, kinuha ko rin nang pagmamadali ang aking I.D sa loob ng aking lumang at pagkalaki laking sling bag at pinakita iyon sa guwardiya.

Dali dali niyang kinuha ang I.D ko sa aking kamay at tsaka niya iyon tiningnan nang mabuting mabuti na para bang ipinagtataka kung dito ba sa kompanyang ito ako nagta-trabaho. Agad itong umalis para ipakita doon sa isa pang guwardiya at ipina-verify pa niya ito, agad na tumango ang lalaking guwardiya na nakaupo sa silya at kaharap ang isang kompyuter. Habang naghihintay para akong tangang nakatayo sa harapan ng mismong papasukan ng opisina. "Ano ba na naman iyan? Antagal tagal kanina pa ako nakatayo dito, sumasakit na ang legs ko at nababawan ang aking beauty!! Papasok na nga lang hindi pa maayos ang itsura!!" Ani ng baklang kasama nung babae nampintas sa akin kanina at pinaparinig pa sa akin ang kawalang kwenta niyang sinasabi, hindi na ako nakapagtiis, humarap ako sa baklang mukha namang bukong nalaglag sa pinakamataas na puno sa buong mundo, hindi ko na matiis ang mga pinagsasabi niya "Ka-Kailangan ho ba na mag magpapor-ma para la-lang pu-pumasok na ng opisina?" Hindi ko na maiwasang magtanong dahil kailangan bang rumampa pagpapasok ka ng opisina? "Aba't sumasagot kapa!! Magsuot ka ng maayos at ayusin mo ang sarili mo!! Hindi yung nang abala kapa sa mga tao dito!!" Pabalang at pasigaw niyang sagot sa akin habang ang kasamahan niyang babae ay ngumingisi ngisi nalang. Hindi na ako magsasayang nang oras sa inyo, tahimik na lang akong tumingin sa guwardiya na nangharang sa akin kanina. Maya maya pa ay pabalik na ang guwardiya sa akin "Sorry sir ngayon lang po kasi kita nakita dito at matagal na po pala kayong nagta-trabaho dito, Sorry talaga ulit sir." Dere-deretsong paliwanag niya sa akin na animong nag ba-bow pa sa aking harapan "Sa-salamat h-ho" saad ko sa kaniya at nag bow ng isang beses at pumasok na sa opisina "Hay salamat nakapasok na rin sa wakas matapos ang sampung taon" Maarteng tugon ng bakla sa akin na sinusulyapan pa ako ng masamang tingin, agad kong naibaba ang tingin ko dahil na rin sa kahihiyang nagawa ko.

A Day With My Love (On-Going) (On-Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon