Pangatlo

18 0 0
                                    

Maayos naman ang naging takbo ng mga sumunod na oras. Six na ng gabi, katatapos lamang ng aming klase. Kinailangan kong bumalik sa aming bahay dahil kailangan kong kunin ang aking laptop.

Pagdating ko ay walang tao. Hindi na bago ito, for sure nakikipaglandian nanaman ang aking ina.

When I got there I immediately took the things I needed nang nakababa na ako ay nasalubong ko ang aking ina.

Natigilan ako nang naramdaman ko ang kanyang palad sa aking pisngi.

Sa lakas ng sampal ay napagilid ang aking mukha.

"Tangina!" I cursed. What's her damn problem.

"Ikaw ang tangina! Ano papahiyain mo nalang ba ako lagi sa mga kaibigan ko? Ano toh hah?!" she shouted infront of my face habang dinuduro ako.

Pinakita niya sa akin ang dalawang video. Iyon ay ang naganap kagabi sa bar, at ang isa ay kanina sa eskwelahan.

Napangisi nalang ako sa sobrang inis.

"Tsk, why do you care?" I asked.

Sinampal niya ako ulit. Wth!

Malapit na akong maubos.

"Wala ka na bang gagawin na maganda? Lahat nalang ng ginagawa mo walang kwenta! Sana ay namatay ka nalang din katulad ng mga magulang mo!"

That's when I lost it.

Sinampal ko siya dahilan ng pagkaupo nya sa sahig. I fucking lost it. I knew that right now I can fucking kill her.

Hihilahin ko na sana ang kaniyang buhok ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Kinuyom ko nalamang ang aking kamay at umalis. 

What a piece of shit! She has no right to say those words!!

Kumuha ako ng sigarilyo at pumasok ng aking kotse tsaka dumiretso sa condo.

I parked my car at nagtungo na sa elevator ng parking area, subalit bago pa ako makapunta ay namataan ko ang mga anino na tila nakapalibot sa akin. I think it is the enemy, siguro ay nakita nila ang video sa bar. Damn! Pero bakit alam nila ang lugar ko. Wala akong pinagsabihan na kahit sino kung saan ako nakatira.

Nang makita kong lagpas sampu sila I started to panic. Hindi ko kayang lumaban, masyado silang marami.

Umamba akong tatakbo patungo sa hagdan sa aking gilid ngunit bago pa ako maka harap doon ay may  naramdaman akong tumusok sa aking leeg. Fuck! Who are they?! Sobrang bilis ng pangyayari na namalayan ko nalang ang aking sarili na hindi na makagalaw ng maayos.

Nagtungo sa likod ko ang isang lalaki at tinali ang aking kamay patalikod. Napaupo ako dahil sa panghihina, saka ko lang nakita ang mukha nilang lahat. Na huli ng mata ko ang tattoo sa baba ng tenga nitong gumagapos sa akin, hindi ito agad mapapansin ngunit sa parteng iyon unang dumapo ang aking mata ng inangat ko ito. Isang tattoo na apoy at may bungo sa itaas nito. That's when I knew that they are an enemy. Fvcking enemy!

Nakapalibot sila sa akin at ang leader nila ay nasa aking harap. Pumalakpak ito.

"Totoo ngang napakaganda mo binibini, napakagaling ng iyong istratehiya, kaya siguro nalinlang mo ang uto-uto naming kliyente." saad niya ng nakangisi, dahilan para makita ang kaniyang ngipin na nababalutan ng pilak na kumikinang.

Ngumisi nalang din ako. Alam kong hindi na nila kayang bawiin iyon. Naibigay na ito sa kataas-taasan.

"Ngunit binibini ang kinuha mo sa amin ay isang mahalagang bagay, alam mo ba na naglalaman iyon ng isang daang asul na diyamante?"

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam na ganoon kalaking halaga ang pinakuha sa amin.

Tumawa siya ng malakas.

"Malaking pagkakamali ang ginawa mo, ngunit maswerte ka dahil hindi ka namin papaslangin. May pagkakataon kang sumali sa aming grupo."

Napa irap ako sa kaniyang sinabi.

"Hinding-hindi ako kakampi sa inyo!" singhal ko.

"Kung ganoon ay hindi mo malalaman ang dahilan kung bakit namatay ang iyong ama at kung sino ang pumatay sa kaniya."

Bahagya akong natuliro sa kaniyang sinabi. Dalawang taon na ang nakalipas ng namatay ang aking ama at matagal ko nang inaalam ang dahilan kung bakit siya nasangkot sa isang aksidente. Hanggang ngayon ay wala parin akong lead sa kung sino ang pumatay at ano ang totoong nangyari, alam kong pinalabas na simpleng insidente lang iyon kahit ang totoo ay may nakitang bala sa kaniyang dibdib. Nanginig ako sa pag-iisip at naramdaman ko nalamang ang mg luhang malapit nang lumabas. Pinigilan ko ang pagdikit nito sa aking pisngi. 

"Who killed my father?" I asked patiently.

Nagkibit balikat lamang ang kaharap ko.

"Hindi ka pa nakikipagkamay sa amin." saad niya 

Nauubos nanaman ang pasensya ko. Sisigawan ko na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Kinuha niya ito at sinagot.

"Magandang araw sa iyo aming Reyna" bati nito sa kausap.

Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan dahil puro 'masusunod' lamang ang binibigkas ng kaharap ko. Ilang sandali pa ay binaba niya na ang tawag at tumikhim.

"Kaya ba hindi niyo pa ako pinapatay dahil naghihintay kayo sa tanginang reyna niyo?!" pangiinis ko sakanila.

Dumilim ang paningin ng nasa harap ko.

"Tumahimik ka! Pasalamat ka at may mabuting puso pa ang kataas-taasan, bibigyan ka niya ng pagkakataong hindi makipagkasundo sa amin ngunit para malaman mo ang mga kasagutan sa iyong tanong ay mayroon lamang dalawang bagay na ninanais kong gawin mo." bigkas niya.

Kinabahan ako sa kaniyang mga sinabi. Fuck those conditions!

"Sige binibini bibigyan ka namin ng limang minuto para makapag desisyon. Kapag nalaman mo na kung sino ang pumatay sa iyong ama ay makakapaghiganti ka na dito hindi ba? Ngunit..." pambibitin niya.

Napa angat ako ng tingin sakanya at hinintay ang mga salitang bibigkasin niya pa. Ngumisi siya.

"Sasabihin lang sa'yo ang lahat ng nangyari kapag naisagawa mo na ang dalawang bagay."

Damn! This is so frustrating. I can't just say yes dahil hindi ako sigurado sa kung ano ang iuutos nila.

Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ulit ang kaniyang telepono. Mas maikli ang pag-uusap nila kaysa sa una. Ngumisi siya pagkatapos ng kanilang usapin dahilan naman ng pagsalubong ng aking kilay.

Ilang segundo ang katahimikan bago siya nagsalita ulit.

"Tatlong Bilyon. Tatlong bilyon ang makukuha mo kapag natapos mo ito." mariin niyang sabi.

Napapikit ako at napamura ng malutong dahil alam kong sa puntong iyon ay..

"Pumapayag na ako." 

Napangisi ang taong nasa harap ko. Tumango siya at humalukipkip.

"Napakagandang pakinggan binibini."

Huminga ako ng malalim at inisip kung ano ang posibleng dalawang misyon ko. Kinalagan ako ng isa sa kanila at saka sila umalis. Fuck! Hanggang ngayon ay hindi parin ako makagalaw ng maayos, bahagya lang akong nakatayo ng maayos pagkatapos ng ilang minuto.

Dali-dali akong pumunta sa unit ko at napaupo nalamang dahil sa mga nangyari.

Papasok na sana ako ng cr nang marinig ko ang pagtunog ng aking telepono.

May isang text message galing sa hindi kilalang numero. Nanghina at nanginig ako ng todo dahil sa mga nabasa kong pangungusap.

*********

'Una ay kailangan mong patayin ang isang lalaki na nagngangalang Mateo Guevarra  .Ang pangalawa ay ang ang kaniyang anak, ikaw na ang bahalang umalam sa pagkakakilanlan nito, upang malaman mo ang itsura ng batang papaslangin mo.'

*********

Iyon ang unang beses na pinagsisihan ko ang naging desisyon ko sa buhay.

Bullshit! How can they be this cruel?! A child? Papatay ako ng bata? Oh my god!!

Nanlamig ang buong katawan ko sa pag-iisip na iyon. I can't, I fucking can't do it.

Damn!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dangerous FateWhere stories live. Discover now