JOSH POV
Bagsak balikat akong naglakad palayo kay Cassie, ewan ko ba naman kasi ba't sa kanya pa ako nagpatulong. Totoo naman kasi na wala siyang alam sa ganun bagay NBSB kaya yun. Dahil siguro kababata ko siya at approachable kaya naglakas loob na lang din ako, baka sakali lang. Habang naglalakad nakasalubong ko naman si January a.k.a "Jan" lalagpasan ko na sana siya pero hinarangan nya daraanan ko
Wait! Have you seen other girls, I mean my teammate?! Maarteng tanong nya sa akin
Si Cassie lang, andun malapit sa Court walang buhay na sagot ko naman sa kanya
Ok Thanks, sabi naman nya, tatalikuran ko na sana siya ng may pahabol pang sinasabi
You look awful dude, you should see yourself sa mirror himig pang-aasar nyang sabi
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Natanaw ko si Xander sa tapat ng aming gate mukhang nag-aantay, kaya nagmadali akong maglakad papalapit sa kanya
Tinapik ko siya sa balikat, Dude, anong ginagawa mo dito? Tanong ko sa kanya
Inabot nya sa 'kin ang isang papel
Final Line up natin yan, deadline bukas sabi naman nya
Binuksan ko ang gate para makapasok kami, at pagbukas ng main door, sumalubong naman ang akin ang alaga kong si Miming na isang American Pitbull (opo isa siyang aso, trip ko lang toh). Dumirecho kami ni Xander sa sala dun ko na binasa ang sinasabi nyang line-up.
Ok na to? Tanong ko kay Xander na nilalaro si Miming
Kung ikukumpara natin sa team ni Owen 70/30 paliwanag naman niya
Binalik ko ang papel sa kanya, ikaw na mag-submit
You ok dude?!, Tanong naman ni Xander sa akin habang nilalaro si Miming
Napabuntong hininga lang ako, at nag isip. Gusto ko sa kanya mag patulong, kaso baka asarin lang ako ng isang ito. Pero wala akong choice. Xander is a childhood friend
Xander, tawag ko sa kanya
Hmm, spill it dude! tugon naman niya sa akin
Nag-isip muna ako ng ilang beses Paano ba manligaw? Pabulong kong sabi sa kanya
Huh? Ano yun dude? may pagtatakang sabi nya
Sabi ko, kung Paano ba manligaw? Medyo nilakasan ko na
Are you for real dude? nakangising sabi naman nya
Forget it, sabi ko na nga wrong move sayo mag tanong
No dude! Kaso nga lang pangliligaw kamo, bakit di ka pa ba naka-pangligaw? Takang tanong nya
Magtatanong ba ako kung naexperience ko na? asar kong sagot sa kanya habang naglakad pa punta sa kitchen para kumuha ng water.
Sinundan naman nya ako at sumunod din sa amin si Miming
Well dude, iba iba naman kasi ang way ng panliligaw natin, depende sa atin yun dude. paliwanag nya habang umiinom ako ng tubig.
Linapag ko ang Pitcher sa center table at hinarap siya
Like what? Tanong ko sa kanya
Hmmm, meron nang haharana sabi nya habang binibilang sa kamay
HARANA!!! LIKE WHAT THE!!! Dude millennial na tayo pigil ko sa kamay nya
Oo millennial na nga, di ka naman marunong manligaw pang aasar naman nya
YOU ARE READING
Days with You
Random"Buoin ko muna ang puso ko, dahil gusto kong mahalin kang muli, gaya nung unang araw na napamahal ka na sa akin. " love , patient and understanding. would that be enough to stay in love to one person, despite of all hurt ache and shortcoming of that...