Chapter 1

52 4 0
                                    

Malayo ang tanaw ni Cassie na bigla siyang tinabihan ni Josh. Si josh ay kanyang kababata. Malalim ang buntong hininga ni Josh kaya napalingon si Cassie sa kanya. Tinanong ni Cassie kung bakit.

Wala naman tugon ni Josh at nanatiling tahimik. Hindi na muli silang nagkibuan at nanatiling nakaupo sa bench.

Nagdesisyon ng tumayo si Cassie upang umuwi na, ngunit nagulat siyang biglang hawakan siya ni Josh sa siko

Bakit?! Tanong niya ng may pagtataka

Manliligaw ako tugon naman ni Josh na labis naman ikinagulat ni Cassie

A..ano kamo? Utal na tanong ni Cassie

Manliligaw ako! Pag-uulit naman ni Josh

Naka-drugs k aba?! May halong inis na tanong naman ni Josh

Hindi seryoso ako Cassie! Manliligaw nga ako at kailangan ko ng tulong mo! Nakangising tugon ni Josh

Ha!! Ano!! Pagtatakang tanong muli ni Cassie

Oo tulungan mo naman ako manligaw Cass, Gusto ko ligawan si Armie may halong hiyang tugon naman ni Josh

Napa-isip si Cassie, habang nakatingin ito kay Josh. NBSB si Cassie pero mahilig siyang magbasa ng mga novel and story lalo na sa WATTPAD, kaya kahit wala pa siyang karanasan maligawan ay kahit paano'y may alam siya dito. Para sa kanya ang panliligaw ay hindi minamadali, at hindi rin sapilitan. Hayaan mo lang na magkusa. At para sa kanya ang Pagmamahal naman ay isang malaking pagsubok. Susubukan ng pag-ibig ang lahat ng aspeto ng pagkatao mo. Kaya para sa kanya, hindi madaling magmahal kailangan handa ka sa lahat ng pwedeng mangyari, sa lahat ng pwede mong pagdaanan habang nagmamahal ka at sa lahat ng sakit na pwede mong maramdaman habang ikaw ay nasa isang relasyon.

Please naman Cassie, sabi ni Josh

Sorry Josh! Wala akong alam jan eh. Kibit balikat naman tugon ni Cassie

Tinalikuran at naglakad na palayo si Josh habang tanaw siya ni Cassie, si Cassie naman ay umupong muli at napabuntong hininga na lang. Napailing na napapangiti na lang siya ng maalala nya ang sinabi ni Josh

Laking gulat naman ni Cassie ng may nagsalita Baliw ka na ba?

Busit ka Lendo! Sabi ni Cassie sa lalaking kasing tangkad nya lang, Moreno at may katamtamang pangangatawan

Hindi kasi niya namalayan na nasa harapan na pala niya ang magkakaibigan na sina Lendo, Aiken, Bryce at Owen

Kasi nga para kang baliw jan, ngumingiti mag-isa, muling sabi ni Lendo na palinga-linga

May kausap ka bang di naming nakikita? Pagpapatuloy nya

Baka ikaw may nakikita! tugon naman ni Cassie sa kanya

Wala nga, kaya nga feeling ko may sapak ka na! Pang aasar naman ni Lendo

Aba!! Inambaan naman siya ni Cassie ng hampas pero gumitna naman si Bryce

Tama na yan Lendo! Sabat naman ni Aiken.

Magsilayas na nga kayo bago ko pa masaktan yang payatot na yan! banta naman ni Cassie

Days with YouWhere stories live. Discover now