06

2 0 0
                                    

2020. 03. 25.


Eto yung araw na nalaman ko lahat.

Di ko na napigilan ang sarili ko at nagtanong na ako sa mama ko.
Nung una hesitate siyang sumagot pero sinabi niya din.

Wasak ang mundo ko ng unti unti kong nakita ang mas malinaw na alaala.

Simula noong unang pagkikita namin hanggang sa araw ng aksidente.

"Wala na ang girlfriend mo, anak. Wala na."

Yan yung mga salitang bumaon sa puso ko.


Almost 8 months akong coma daw. HIndi masyadong malala ang tama ng girlfriend ko dahil natagpuan daw kami ng rescue na nakaprotekta ang ulo at likod niya at bali lang sa kamay at binti ang tinamo niya.

Kaya nagtaka ako kung bakit siya namatay. Hanggang sa sinabi nila sa akin na sa kalagitnaan daw ng pagkakacoma ko ay nagkasakit si Shei. Matagal na pala siyang nakakaramdam ng kakaiba pero hindi niya pinapansin hanggang sa nadiagnosed siya na may bone cancer at saglit na lang ang kaya niya.

BINHI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon