04

2 0 0
                                    

2019. 06. 15.


Akala ko eto na ung pinakamasayang araw para sakin, para samin. Bakasyon namin to.

Natripan naming pumunta ng Laguna for EK. SObrang tagal namin pinlano to kasi same kaming never pang nakaranas ng rides.

Pinagpaalam ko siya sa parents at nagpaalam na rin ako sa mama ko since wala na ang papa ko. At pinayagan naman nila kami.

So habang nasa daan kami papuntang bus station napag usapan namin na parehas kaming kinakabahan.
Bnaliwala lang namin yon at sinabing baka naeexcite lang.

Pero deep inside, pakiramdam ko talaga iba.

Ng makarating kami ng bus station tumindi yung kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko may mangyayaring masama.
Sasabihin ko sana sa kanya kaso nauna siyang magsabi at kinomfort ko lang siya at sinabing kumalma lang.

Yung mga naunang minuto na nasa biyahe, chill lang.

Kwentuhan kami.


Tapos nakita ko yung bus driver na parang natataranta. Ang pwesto kasi namin ay malapit sa driver kaya kitang kita ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayare at inaannounce na nga ng driver na nawalan daw kami ng break.

Halos lahat ng nakasakay doon ay nagpapanic na. Pati ang girlfriend ko ay ramdam ko ang takot at wala akong nagawa kundi hawakan ang kamay niya at aluin siya.

Nagdadasal lang kami at dumilim na ang paningin ko matapos tumama ng ulo ko sakung saan noong bumaliktad ang bus.

BINHI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon